Capitulum 07

4.2K 243 0
                                    

Minnesota Gervacio stared at the blank walls once again, her mind completely at peace. Hindi niya alam pero magmula noong bata siya, nakakaramdam na siya ng kapayapaan sa puting mga silid at amoy ng antiseptic. When her father had been hospitalized, naging pangalawang tahanan na niya ang ospital.

'Kaya siguro nursing ang kinuha ko,' napabuntong-hininga siya at tinapos ang pagkuha ng blood pressure ng isang pasyente.

"110/80, ma'am. Normal naman po."

Tumango na lang ang ale na abala sa pakikipagtext. Pinigilan ni Min ang umirap. Hindi na talaga niya maintindihan kung bakit nagpapacheck-up pa ang mga taong mukhang wala namang pakialam sa kalusugan nila. Nowadays, idiots would call themselves "healthy" despite the fact that their cellphones practically became an extension of their own bodies!

Noong breaktime niya, agad na nagtungo si Min sa front desk kung nasaan ang kaibigan na mukhang wiling-wili sa panonood ng maliit na TV.

"Ang gwapo talaga ni Alden, be! Dapat talaga ako na lang ang naka-loveteam niya! Kung mag-artista na lang kaya ako?"

Hindi pinansin ni Min ang kadramahan ng kaibigan at kumuha ng Mr. Chips na mukhang matagal nang kinalimutan ni Feralda mula noong i-flash sa screen ang mukha ng nasabing artista.

"Fe, dumating na ba si mama? Hindi ko siya ma-kontak eh."

Fe was momentarily pulled out of her fangirling mode, "Wala pa. Hindi ba gumagana 'yong cellphone? Bagong bili lang 'yon ah!"

Sa totoo lang, hindi mahalaga kung bago man o hindi ang ibinigay niya sa ina. The word "cellphone" is enough to make her mother's eyebrows furrow. Tinuturuan naman ito ni Minnesota, pero mukhang nahihirapan talaga ang ina na makipagsabayan sa modernong panahon.

"Nalilito pa rin siya sa pag-text at tawag. Laging ibang number ang nako-kontak niya." Naaalala ni Min ang pagtu-tutor niya sa ina noong nakaraang gabi. Aksidente pa nitong nai-dial ang number ng police station sa lugar nila. 'Generation gap,' paulit-ulit na ipinapaalala ni Min sa sarili tuwing nagrereklamo ang ina sa iPhone nito. Honestly, who could resist a brand new iPhone? Only her conservative mother.

"Minnesota, nandito nanay mo!"

Napabaling ang dalaga sa sigaw noong gwardiya. Napangiti ito nang makita ang ina na may bibit pang plastic bag na alam niyang naglalaman ng baon niya. "Ma! Buti hindi kayo naligaw?" sinalubong ni Min ang matanda. Her mother flashed her an elderly smile. "Eh, buti na lang at may mabait na babaeng nagturo sa'kin dito, 'nak. Kung hindi, baka sa kabilang bayan pa 'ko napadpad!"

"Buti nga, ma. Bakit ba kasi hindi na lang kayo nag-taxi?"

"Eh, naku! Taxi-taxi pa. Alam mo naman ang modus sa panahon ngayon!" Napapailing nitong sabi.

"Hi, tita!"

"Aba! Feralda, ang laki mo na. Kay gandang bata!"

"Hahaha! Tita naman!"

Minnesota left the television and joined them. Nagmano ito sa ina ni Min at nakipagkwentuhan.

She sighed. Aaminin niyang nabunutan siya ng tinik. Her mother tends to be a little reckless sometimes despite her age. Kinuha na lang niya ang plastic bag sa kamay ng nito at pinanood ang dalawa na magtsismisan sa waiting area na nakalaan sa kamag-anak ng mga pasyente.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon