Capitulum 22

2.5K 174 3
                                    

Eastwood Forensic Crime Laboratory
(EFC Lab)
1:30 p.m.

'This is interesting.'

After examining the blood sample, Nico turned to Scorpio. Tumango ang matanda, at noong mga sandaling 'yon, nakumpirma ang hinala nila. Nilingon ni Scorpio ang bangkay ni Mrs. Bonnie Javier, "May nakita akong traces ng gamot sa dugo niya. Amitriptyline."

Nico's vast knowledge of medicinal drugs came in handy. 'When you're a professional detective, you need to read a lot of books,' he smirked, "Amitriptyline... karaniwang ginagamit sa mga sleeping pills. Pero sa nakuhang dokumento ng patient's history niya, walang insomnia si Mrs. Javier."

Tumango si Scorpio at inalis ang kanyang latex gloves, "Exactly. Nakapagtataka lalo't mataas ang konsentrasyon ng sleeping pill sa dugo niya. Oh, I know that glint in your eyes son," Isang malumanay na ngiti ang sumilay sa mga labi ng beteranong forensic scientist, "you have that crazed look whenever you're getting excited about a case."

'He knows me well,' isip-isip ni Nico bago naupo sa katabing silya. "Mukhang binigyan ng killer si Mrs. Javier ng sleeping pills para mawalan ito nang malay. I'm guess, that's the reason why no one heard a sound while he was chopping off her head and ripping our her heart."

Tumango si Scorpio at binuksan ang maliit na refrigerator sa pinakasulok ng laboratoryo. Isinantabi niya ang human tissues at organs na naka-preserve doon bago kinuha ang dalawang balot ng sandwich. "That killer is a smart man. Sigurado ka bang ayaw mong kontakin ang partner mo para sabihin sa kanya ang nadiskubre natin?" At isinara na nito ang pinto ng refrigerator bago naglakad papalapit sa binata, sandwiches in hand.

Nico flinched at the mention of his "partner". Walang gana nitong tinanggap ang sandwich mula kay Scorpio, "Partner? I don't know what you're talking about."

"You can't fool me, Nicodemus. Nabalitaan ko sa uncle mo. Hindi nakakapagtakang kumplikado nga ang kasong ito kung kinailangan pang hingin ng HELP ang tulong ng dalawang pinaka-magaling na detectives sa Eastwood."

Nico scoffed and started opening the wrapper of his food, "I don't wanna talk about it."

"Ah! Mukhang nakilala mo na nga si Detective Brian," Scorpio munched on his sandwich, hindi alintana ang amoy ng bangkay sa silid, "marami akong nababalitaan tungkol sa kanya. Magaling daw siyang manlinlang ng tao, kaso bibihira lang ang nakakakilala sa kanya. Tell me, Nicodemus... magandang lalaki ba siya?"

Kamuntikan nang mabilaukan si Nico sa tanong na 'yon. 'What in the name of Sherlock?!'

Magandang lalaki? Tsk! Napasimangot si Nico.

"Hindi siya maganda..."

"Ganoon ba---"

"...at hindi rin siya lalaki."

Panandaliang nanahimik si Scorpio. The old man blinked, and eyed Nico with those playful orbs. Makalipas ang ilang segundo, ngumisi ito at mahinang natawa.

"A female detective? Kaya pala. Allergic ka nga pala sa mga babae." Hindi na naitago ni Scorpio ang "amusement" sa kanyang boses. 'This is interesting.'

But Nico only sighed, "Let's just talk about the sleeping pills, shall we? Kung ginamit nga ng Heartless Killer ang sleeping pills para patahimikin si Mrs. Javier habang pinapatay niya ito, he must've bought these pills from a nearby pharmacy store. Bibistihan ko mamaya ang lahat ng mga botika sa Eastwood Heights at sa mga kalapit na lugar. Surely, nobody waltz in a pharmacy and orders sleeping pills for insomnia everyday. Kung su-swertihin, baka maalala pa ng pharmacist ang hitsura ng taong pinagbentahan nila ng amitriptyline."

Tumango si Scorpio at ipinagpatuloy ang pagkain. Afterwards, he reminded the detective, "Hindi natin alam kung ginamit nga niya ang sleeping pills na 'to para sa insomnia."

"What do you mean?"

"Ang mga sleeping pills na may kemikal na amitriptyline ay hindi lang ginagamit sa ordinaryong insomnia. Ginagamit rin ito bilang anti-depressant drug. Ang amitriptyline sleeping pills ay mas madalas nire-rekomenda sa mga taong nakakaranas ng insomnia na sanhi ng depression nila."

Kumunot ang noo ni Nico, "Bakit naman ganito ang bibilhin ni Heartless Killer? He could've just bought normal sleeping pills for insomnia."

"Pwera na lang kung hindi niya binili. Maybe he found some in his medicine cabinet."

Nico's mental storage cabinet suddenly shifted, rearranging and organizing wisps of information. Names, dates, scenes, and everything in between. 'Damn Sherlock,' napahawak na lang siya sa sentido niya. Bago pa man makapagsalita si Scorpio, Nico's phone rang.

"Unknown number. Probably one of my stalkers, again. Tsk."

Nang sagutin niya ito, lalong nairita ang binata nang marinig ang pamilyar na boses ng kanyang ka-partner sa kaso.

"Park. Tomorrow at seven."

Gusto nitong pag-usapan nila ang kaso. Nico's eyes averted towards Scorpio who was smiling teasingly at him. Sunod namang dumako ang mga mata niya sa bangkay ni Mrs. Javier. Ilan pa kayang katulad niya ang matatagpuan nila bago nila mahuli ang serial killer? Ayaw man niyang aminin, pero mukhang kailangan nga nilang magtulungan ni Nova. Oh, the things he'll sacrifice for the sake of justice! Napabuntong-hininga ang binata.

"Fine."

"Bring your copy of the case files."

Napasimangot ulit si Nico. "Who are you to boss me around?"

"I'm Detective Briannova Carlos, a SHADOW agent and your partner. Is that enough, Mr. Yukishito?"

At binabaan na siya nito ng tawag! Napabuntong-hininga si Nico at sumandal sa silya. Lalo yatang sumakit ang ulo niya.

Hindi pa rin nawawala ang mapang-asar na ngiti sa mga labi ng matandang forensic scientist, "She seems like the competitive type."

Napailing na lang si Nico sabay kagat sa kanyang ham and cheese sandwich.

"You have no idea, Scorpio."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now