Capitulum 05

4.6K 285 9
                                    

"Excuse me, miss?"

Agad na lumingon ang dalagang abala sa pakikipag-usap sa nobyo. The girl's eyes are clearly of foreign inherit. Nagtataka man, ngumiti siya kay Nova, not wanting to be rude. "Yes?"

Sandaling sinilip ni Nova ang kasama ng kausap, mukhang maging ito ay naguguluhan sa biglaan niyang paglapit. 'I can't believe I'm doing this,' ibinalik ni Nova ang atensyon sa dalaga. "Mind if I ask you some questions? It's for a survey."

Tumango naman ito.

Nova started. Naglahad ito ng kamay, "I'm Alyssa Ramirez, by the way." She can't tell them her real identity, of course.

"Bernadette Rivera," pagpapakilala nito sa sarili bago iminuwestra ang nobyo, "Ito naman si Fred, fiancé ko." Lihim na napamura si Nova. Pinilit niyang ngumiti kahit pa bahagya siyang kinabahan sa nalamang impormasyon.

"Rivera," Nova faked interest, "sounds like a Spanish surname."

Lumawak ang ngiti ng dalaga. "Half. Filipina si mama, Spanish naman si papa. Dito na nila ako pinalaki sa Pilipinas. In fact, kagagaling lang namin sa bakasyon last month." At ipinagmayabang pa nito ang pamaypay na halatang imported! Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Nova.

"And how old are you?"

Mukha namang hindi pa ito naghihinala sa mga ikinikilos ng detective.

"Seventeen," hinawakan nito ang kamay ng nobyo, dahilan para makitang maigi ni Nova ang silver band sa kanyang daliri. Napanganga siya nang makita ang tatak ng Eastwood Jewels dito sabay dagdag nitong, "Next month pa ang kasal namin, a week after my 18th birthday para legal. Fred is older than I am, pero sabi nga nila age is just a number, right, daddy?"

Nakita ng detective ang hesitasyon sa mukha ng lalaki bago natawa at sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. Peke. A subtle sign of infidelity. Nova's composure slowly crumbled when she glimpsed that lipstick mark on his neck. Sunod naman niyang sinipat ang mga kagamitan sa mesa, ilang baby planning magazines at crib designs, katabi ng larawan ng isang wedding gown. Ibinaling niya ang mga mata sa tiyan ng dalaga.

'Mukhang nalagasan pa ako ng pera dito!', she irritatedly thought. Napabuntong-hininga siya at nagsimula nang maglakad papalayo nang may maalala pa. Nova spun on her heels and turned to the confused couple, particularly to the male, "Ilang taon ka na?"

Naguguluhan man, sinagot naman ito ng lalaki.

"Twenty-four."

Damn.

*

Kasalukuyang binabasa ni Nico ang mga naiwang files sa mesa nang tahimik na naupo sa tapat niya si Nova. The female detective looked defeated. "Paano mo nagawa 'yon?"

"Ang alin?"

Nova eyed him suspiciously for a few moments before gathering the files again, "Tsk. Nevermind."

'At least he's not lying. No matter how weird this guy is!'

Inayos ni Nova ang sarili at kinuha ang isang larawan ng babaeng natagpuang patay sa kanyang apartment. Katulad ito ng isa sa mga larawang pinadala kanina kay Nico. "ECU can't find anything that can help the case. Walang signs ng forced entry o kahit fingerprints. Maging ang murder weapon na ginamit, hindi nila mahanap."

Muntik nang natawa si Nico. 'Does she really expect that those idiots from Eastwood's Crime Unit can even find a needle in a hay sack?', naaaliw niyang isip. Kung may natutunan man siya sa ilang buwan niyang pagtatrabaho bilang detective, it's that HELP's so-called "crime scene salvation", the ECU, isn't as competent as they claim them to be.

Naalala niya bigla ang isang kasong hinawakan niya last month. Habang naglulutas ng isang robbery case, biglang umeksena ang ECU at hinuli ang ilang sibilyan; mga "suspect" raw nila kahit na wala pang matibay na ebidensya. As expected, the case fell into chaos and Nico had to present his opinions before they managed to detain the real culprits.

"Those rookies couldn't even find a left shoe even when it's sitting ontop of their empty heads."

Sabay kuha ng litrato kay Nova. His eyes studied the crime scene. Kuha ito sa banyo. Nakahiga ang bangkay sa bath tub, hubad at puno ng dugo ang katawan. 'Decubito dorsal', he thought. Blood smeared everywhere and Nico can even see the content of a cabinet messily scattered. Magulo at puno ng dugo. Typical. "Mukhang disorganized ang kriminal natin."

Her eyes are shot wide open, lifeless. Katulad sa nabasa niya sa autopsy report kanina, dalawa lang ang makikitang sugat sa katawan: ang basag nito sa ulo at ang malaking wakwak sa parte kung nasaan dapat ang puso. Pero nang tingnang maigi ni Nico ang larawan, nakita niyang may ilang pasa rin sa katawan ang biktima.

Kinuha niya ang isa pang larawan at nakita ang livor mortis sa pwetan nito't mga binti.

He made a mental note.

Oh, how he wished the Eastwood Police told him about this case earlier! 'This is a crime scene, for Sherlock's sake!' Pero mukhang wala na talaga siyang magagawa kung hindi idepende sa mga pipitsuging larawan ang kanyang pag-iimbestiga.

"They'll email us the full shots of the crime scenes later. Sa ngayon, kailangan na nating kausapin ang witness, see if we can't get any more clues." Inayos na ni Nova ang mga papeles sa dalang brief case at tumayo. Nauna na ito palabas ng pinto. Hindi na niya hinintay pa ang kasama.

Marahang napailing si Nico, a frown on his lips, "Who in the name of Sherlock gave her the power to boss me around?" Napabuntong-hininga na lang siya at dumako ang mga mata sa mesa.

Noon niya lang napansin ang one thousand peso bill sa kanyang harapan.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now