Oras

2.3K 47 2
                                    

Mga oras na sinayang ko na mag-isa.
Nilakad ang daan patungo sa iba.
Ramdam na ramdam ko ang pagod at sakit.
Dulot nito'y kawalan ng malasakit.

Nakita ko'y hawak ang rosas na pula.
Suot mo yung paborito mong bestida. Matatamis at napakagandang ngiti.
Ika'y lumapit at ako ay binati.

Ang iyong dalawang malungkot na mata
Tumitingin sa itaas ng mga tala
Humihiling na sana may pag-asa pa
Na baguhin ang lahat na mga ginawa

Sa mundo, ang mga panahon ay bilang na
Segundo at minuto ay mahalaga
Huwag sayangin at gamitin ng tama,
Dahil ang buhay ng tao ay bilang na.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon