Bituin

1.8K 19 0
                                    


Hindi maabot-abot ang mga tala
Sa kalangitan na kumislap na kay ganda
Minamasdan ang iyong mga mata
Nagsasabi na mahal na mahal kita


Hindi makausap at di marinig
Ang iyong magandang tinig
Pangarap ay natamo na
Nang ika'y aking nakita


Hawakan mo ang aking mga kamay
At magmahalan tayo na sabay
Tayo'y tatayo at maghalikan
Sa ilalim ng maliwanag na buwan


Tumitibok na kay bilis ang aking puso
Pag ika'y nakita mundo ko'y huminto
Mga ibo'y naging malaya
Nang ika'y aking nakita.

Mga TulaWhere stories live. Discover now