Huling Hininga

3.7K 22 0
                                    


Dala ang mahabang sulat
Pinamasdan ang iyong larawang inukit
Hindi ko sinasadya na ika'y mahalin
Mismo ang puso ang may sabi na ika'y mamahalin.


Nag-aalala at di makapali
Nang ika'y di makita muli
Naghahangad ng magagandang bagay
Nagdadasal na ika'y aking makasabay


Sa bawat paghinga ko.
Katumbas ang magpapamahal ko sayo
Mga pangarap natin ay tutuparin
Maging masaya ka lang sa aking piling.


Pinapangako ko sa Bathala
Di ka sasaktan kailan man
Mamahalin kita hanggang kamatayan
Sa huling hininga, ika'y makakasama.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon