Edukasyon

1.9K 36 2
                                    

Isa sa mga mahalagang kayamanan
Na matamo ng  bawat kabataan.
Daan para maihahon ang pamilya sa kahirapan,
Para matamo rin ang ating kapayapaan.

Guro't prinsipal ay tutulong sa bawat isa
Mga kabataan ay magkakaisa.
Tutulong at magbayanihan sa kapwa
Baryo't lungsod ay maging masagana.

Gamit ang tinta at lapis
Isusulat ang mga landas.
Patungo sa magandang kinaroroonan
Kapalit nito'y maglakbay sa kahirapan.

Sasagutan ang papel ng maayos at tahimik
At makakapasa sa mahirap na pasulit
Aakyat sa entablado suot ang itim na kalo
Magkamayan sa mga taong edukado.

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon