Paalam

2K 28 0
                                    

Nagsimula sa ngitian
At nagtapos sa walang sabihan
Nagmahalan at nagsamahan
Nagkabigo at nagpaalam

Mismo tayo'y nangako
Ngunit ito'y napako
Mga ala-ala natanim sa lupa
At sa araw na ito'y kakalimutan na

Minahal natin ang bawat isa
Ngunit pinila mong iwanan ako ng mag-isa
Lumuluha at nagmamakaawa
Na sana'y pamatawad na

Sa bawat salitang binibigkas
Pagmamahal ay parang walang wagas
Sa bawat bigkas ng mahal kita
Nagtapos ito sa salitang paalam na.

Mga TulaWhere stories live. Discover now