Magulang

3.7K 28 0
                                    

Simula noong bata'y naging malaya
Sinunod ang payo ng mga matatanda
Sa isang malayo't mapayapang lugar
Kung saan ang bawat isa'y pamilyar


Turi namin dito ay isang pamilya
Magkasundo sa bagay ang bawat isa
Layunin ay maging isa't masagana
Tulad ng mga pamilyang nagkakaisa


Ama't ina'y naghirap para sa anak
Makapagtapos at hindi parang bulok
Kapatid at magulang ay magmahalan
Tayo'y iisa para sa kaunlaran


Mga pangarap natin kayang abutin
Tiwala ka sa amin, di ka iiwan
Sasamahan ka namin sa bawat hakbang
Ika'y gagabayan, kami ang magulang

Mga TulaWhere stories live. Discover now