Pamilyang Asyano

9.6K 71 19
                                    


Ibang larangan, isa ang pinagmulan.
Iba man ang kultura at katangian,
Iisa lamang ang aming kagustuhan.
Magkaisa para maunlad ang bayan.

Talentado, matalino, maginoo,
Yan kaming mga totoong taong Asyano.
Magiting, magiliw at mga respetado.
Nagbanat ng buto kaya umasenso.

Pantay ang tingin, mahirap o mayaman.
Kapit-bisig para sa kapayapaan.
Iba't-iba ang pinaniniwalaan,
Ngunit iisa lamang ang kahulugan

Sa puso at isip, kami ay iisa.
Laging handang tumulong sa aming kapwa.
Pangarap namin sa bayan ay iisa.
Ikaw ako tayo, kami ay pamilya.

Mga TulaWhere stories live. Discover now