Pangako

1.9K 31 0
                                    

Pagbilang ko ng tatlo, kakalimutan ka na
Pati ang sinimulan mawawasak na
Mga magagandang ala-ala aalisin na
Mga ngiti sa mga labi mawawala nalang bigla.


Pagbilang ko ng isa, ika'y tatakbo ng malayo
Titingin sa akin at biglang maglalaho
Ako'y masasaktan ng pinong-pino
Iiyak ng pulang dugo.



Pagbilang ko ng dalawa, ika'y lalayo na
Mawawala at hahanap ng iba
Ika'y hahanapin ng aking mga mata
Kahit pagod na, aasa ako at magpakatanga.



Pagbilang ko ng tatlo, ika'y kakalimutan na
Ako'y magbabago kahit mahirap pa
Ako'y tatayo sa aking sariling kong paa
At tatalikod sa mga pangako mong napako na.

Mga TulaWhere stories live. Discover now