Sa Aking Bayan

2K 46 0
                                    


Sa puno ng kasinungalingan ng mundo.
Maitatama pa ba ito ng gobyerno?
Ito na ba ang katapusan ng mundo?
Ang kasamaan na ba ang mamumuno?


Ako'y isinilang sa bayan kung saan,
Puno ng kasamaan ang kapaligiran.
Papatay ng tao para lang sa karunungan.
Nagnakaw ng pera galing sa mamayan.


Hustisya para lang sa mayayaman.
Dugo't pawis ang puhunan.
Para lang makamit ang kalayaan.
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.


Ito ang tanging bilin ni Jose Rizal
Ngunit paano ito maisasakatuparan?
Kung ang buhay nila'y binibigyan ng hangganan
Ng gobyernong hindi makatarungan.


Ang problema bang ito'y dahilan  ba ng  kahirapan?
Ito  ba'y dahilan ng hindi pagkakaunawaan?
Ito ba'y dahilan ng hindi tayo nagtutulongan?
O ito ba'y dahilan ng hindi tayo bukas aa katotohanan....

Mga TulaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora