02

3.6K 98 0
                                    

"Saan ka galing?" Salubong ni Jian sa akin nang makauwi na ako. Pagod kong binitawan yung bag ko sa couch bago pabuntong hiningang umupo.

"I... I went out with a friend. Nandito na sina Mama?" Tanong ko at tumango s'ya.

"Who's jacket is that?" Bumaba ang tingin ko sa katawan ko at napapikit nang mariin. Nakalimutan kong ibalik ang ipinahiram na jacket ni Sebastian dahil malamig daw.

"It's mine." Pagsisinungaling ko na lang para 'di na humaba pa ang usapan.

"Kailan ka pa naging La Sallian?" Mariin akong pumikit nang makitang jacket nga iyon from La Salle. I should've checked it.

"Yeah, right. It's Sebastian's. Pinahiram n'ya sa 'kin kaninang pauwi." Pahayag ko.

"Bonifacio? Is he your new boyfriend?" Sarkastikong tanong n'ya kung kaya't sininghalan ko s'ya. "I didn't know that you're going out with my friend, Stella. We already talked about this."

"Kuya Adolfo wasn't answering my call, Ji. Isinabay n'ya lang ako." I don't even know why I am explaining myself. He's a pain in the ass.

"Oh, akala ko boyfriend mo." Singhal n'ya.

"That's if you'll let me to be your best friend's girlfriend." Ganti ko nang may naglalarong ngisi sa labi. His smile died down as his eyes daggered on me.

"Shut it, Stella." Aniya at iniwan ako.

Hinahayaan akong makipag-boyfriend ni Jian but he has one rule. 'Wag akong papatol sa mga kaibigan n'ya kaya gano'n na lang ang naging reaction n'ya. Hindi ko nga alam na magkaibigan pala sila. Ngayon ko lang nalaman na they're connected with each other.

Ginawa ko ang night routine ko nang makaakyat na ako sa kwarto ko. I searched for Sebastian's Instagram account. Naging madali para sa 'kin na mahanap 'yon dahil Jian is following him. His account is in private.

louiseb

Sebastian Bonifacio
Vivere in pertemptant salutes.

6 posts          764 followers          160 following

I sent him a follow request so I can thank him again at maipaalala ko sa kan'ya ang jacket n'ya. Matapos ang ilang minuto ay nag notification na tinanggap n'ya ang follow request ko.

I stalked his account before I message him. He's so pogi. His last post was on Christmas Day. He's wearing a red sweater and a black pants. He looks cute wearing a raindeer headband na baka inilagay ng batang babaeng katabi n'ya. He's smiling widely while showing a gift box.

steleanor: Hi, good evening. I'm the woman that you helped earlier, Stella Carlos, we already met before with my friend Jana. I want to thank you again for helping me. And your sweater is with me. Should I give it to my brother so he can give it to you?

I never sent a message to a man that long before. I'm just so grateful to him. Kung wala kasi s'ya kanina ay baka napa'no na 'ko.

He seened it for six minutes. I thought he's not going to reply pero kahit na hindi s'ya mag-reply ay okay pa rin sa akin dahil nga sa pabor na binigay n'ya.

louiseb: No worries. I'm going somewhere in UP tomorrow. I'll just get you my sweater.

Mabilis akong nagtipa ng reply para sa kaniya.

steleanor: Okay. Sunken Garden? 12 noon.

louiseb: typing...

Matiyaga kong hinintay ang reply n'ya. Is he typing an essay? Nawalang bigla ang pag-t-type n'ya at ilang sandali pa ay bumalik ulit.

Losing The Dream Where stories live. Discover now