03

3K 86 0
                                    

Weeks has passed and we didn't see each other. We didn't even talk 'cause there's nothing to talk about. Kalaunan naman ay namatay ang exposed photo naming dalawa sa Samgy-han. I was called "Miss Lowkey" for a week 'cause they thought we were a thing.

I can still remember Jana's words when I reached our hall. "Yung lowkey lang kayo pero pinost kayo ng Samgy-han." Halos araw-araw kong naririnig iyon sa kan'ya. Buti 'di s'ya nauumay.

Katatapos lang ng Academic Year. Bakasyon na at ilang weeks na lang ay 4th year na ako. Ang bilis ng panahon kasi parang kailan lang ay naligaw pa ako sa Beta Way noong first year ako.

"Saan kayo ngayong bakasyon?" Artemis asked when we met in a café in Katipunan.

"I don't know. We're going in Surigao Del Norte for the vacation, I heard." Sagot ko.

Kami lang yata ni Kuya ang pupunta ng Siargao. My parents can't leave their business here in the City. I really miss the island girl life that's why I'm so excited to be back there.

"I and my family are going to Pampanga. We need to visit our grandparents." She said.

Matagal-tagal din kasi ang bakasyon kaya ma-e-enjoy talaga namin. Nang sumapit ang hapon ay parehas na kaming umuwi ni Artemis. Sinundo ako ni Jian at himalang pumayag s'ya na mag drive thru kami.

"Are your things ready for our flight tomorrow?" Nangunot ang nooko dahil sa sinabi n'ya. Anong flight?

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko at sumubo ng fries na isinawsaw sa McFlurry.

"Crap. Nakalimutan kong sabihin sa'yo na bukas na pala yung flight papuntang Surigao." Sa puntong 'to ay parang gusto ko na lang muna s'yang hampasin.

"Sinadya mong hindi sabihin sa akin para mataranta ako sa pag-aayos ng mga gamit ko." Pabirong paratang ko sa kan'ya at inilapit sa bibig n'ya ang burger dahil hindi s'ya makakain habang nag-d-drive.

"Kung gano'n nga edi sana bukas ko na lang sinabi para mataranta ka talaga." Ganti n'ya.

"Tayong dalawa lang ba ang pupunta sa Siargao?" Pag-iiba ko sa usapan namin habang papalapit na kami sa subdivision.

"Yes, but maybe I'll invite some of my friends. You can invite yours too." Palihim akong bumusangot dahil wala naman akong mga kaibigang maisasama. Lahat sila ay magbabakasyon din.

Nag-ayos na ako ng mga gamit pag-uwi. Bukas pala ang flight. Jian knew about it days ago but he did not tell me. What an idiot he is. Mga preskong damit ang dinala ko dahil nga malapit kami sa dagat. I tried to ask Jana and Pearl but they're not available 'cause they're going to Melbourne this vacation.

Naiwan akong mag-isa sa bahay kasama ang mga house helpers nang maggabi dahil umalis si Jian. Hindi man lang s'ya nagpaalam sa akin.

I opened my phone and scrolled in Instagram. There's a new notification saying 'louiseb started following you.' it was eight hours ago. I checked his story and I saw that he's on his graduation ceremony right now.

steleanor: Congratulations! *⁠・⁠゜゚⁠(⁠^⁠O⁠^⁠)⁠↝

louiseb: Thanks. You can come to my graduation party later. It's in our house.

Mabilis akong nag-type ng irereply ko sa kanya. Siguro kaya wala si Jian ay nagpunta s'ya doon.

steleanor: I'd love to but I don't know where your house is.

louiseb: I'll ask someone to pick you up.

Nanlalaki ang mga mata kong nabasa ang reply n'ya. Seryoso ba 'to? Nagmadali akong maghanap ng isusuot dahil ang sabi n'ya ay darating in one hour ang susundo sa akin.

Losing The Dream Where stories live. Discover now