Chapter 1

1.2K 23 1
                                    

Chapter 1

Maaga akong pumasok sa paaralan namin, as usual ganito na talaga ako since nung high school palagi akong maagang pumapasok hindi dahil good student ako, kundi dahil ayaw kong mag stay sa bahay for a long time.

Ayaw ko kasing makita ang step mom ko at ang half sister kong mga maldita. Tsk at mas lalong ayaw kong makita ang ama ko na walang pakialam sa akin, kung pwede nga lang na tumira ako sa skwelahan ay ginawa ko na eh, ayaw ko talagang mag stay sa bahay kasi feeling ko nasa impyerno ako at napapaligiran ako ng mga demonyo.

Pero dibali na nga lang wala na din akong pakialam, nasanay na din ako sa trato nila sa akin na parang outcast.  Unwanted at hindi karapat dapat na mag dala ng apilyedong Rodilla dahil isa daw akong bunga ng kasalanan at kahihiyan.

Paulit-ulit yan na sinasampal sa akin ng madrasta ko, I am just a mistake yan ang Turing nila sa akin. Nung una masakit, nakakaiyak but as time goes by....nasanay na din ako naging immune na ako sa mga salitang yan unti-unti ko ng itinuring na normal yan at parang isang sirang plaka nalang ito.

Unti-unti na akong nawalan ng pakialam.

Hindi ako lumalaban sa kanila kahit sobrang sama na ng loob ko, tiniis ko parin sila. Wala akong choice eh, I still respect them as a family kasi yan ang natutunan ko sa barkada kong si Jess, hanga talaga ako sa katatagan ng pare kong yun.

Ang tapang eh, nirerespeto niya parin ang lolo niya despite sa lahat ng ginawa nito sa kanya, sa pag control at pag tanggal ng kalayaan niya. Despite of it all she still respect her grandfather, at naging inspiration ko siya doon.

Nakikita ko kasi sa kanya na , despite of every bad thing that her lolo does to her she still respect him, she show me that no matter how bad that person is, they still deserve to be respected. It doesn't matter if they're good or bad, respect is for everyone. Nasa kanila lang yun kung tatanggapin nila ang respeto mo o kung ano ang gagawin nila sayo, the important thing is that you know to yourself that you respect them.

Sila na ang bahalang ma konsensya, kung meron man!

Pinatay ko ang makina ng cotse ko at mabilis kong bumaba dito.

I brush my hair using my fingers at tumingin ako sa paligid sobrang tahimik ng parking lot, kaunti palang din ang mga cotse na nandidito.

Napatingin ako sa wrist watch at nakita kong 6:30 palang ng umaga.

Ang aga pa pala kaya wala pang halos studyante, but who cares mas mabuti ng nandito ako kaysa doon sa bahay.

I sigh and began to walk papunta sa hallway para mag tungo sa classroom namin ng may nakarinig ako ng malakas na ugong ng isang motor.

Mukhang kakarating lang ng kung sino, napalingon ako upang tingnan kung sino ang taong yun

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Rushed Floresca ito ang lalaking nasagasaan ko.

Ini angat niya ang tingin sa akin kaya nag tama ang mata namin, nangunot ang noo ko, ngumisi naman siya

Ayos na pala ang isang to. Akala ko natuluyan na to eh.

Simula kasi nung umalis ako sa hospital ay hindi na ako muling bumalik pa, nakibalita nalang ako sa doctor kung na-discharge na ba siya.

Sabi ng doctor ay ok na naman tong si Rushed, at tama nga ang Doctor ok na ok na ang isang to eh.

"Hey" nag lakad siya palapit sa akin.

He is wearing a uniform of an business ad student, may nakasukbit din na bag sa kaliwang balikat niya. Cool ni pare ah.

Chasing That LesbianWhere stories live. Discover now