Chapter 9

267 13 0
                                    

Chapter 9

"Ouch" napa iktad si Rushed ng bigla kong idiin ang cotton na may alcohol sa side lips niya.

"Tsk kaasar ka din eh no? Ang lakas mong mang asar kay Lash tapos ngayong may sugat ka ako ang pinapagamot mo, wow na wow Rushed" sambit ko habang patuloy parin sa pag gamot sa kanya.

Andito kami sa bahay nila, dito niya ako dinala para lang gamutin siya. Mayaman sila Rushed, sobrang laki ng bahay nila or should I say mansion. Malawak ang living room nila sobrang laki ng space, kahit pa mag laro kami dito ng habol-habolan, ok lang. Marami ding matatakbuhan dahil sa laki ng lugar, pero dapat lang din mag ingat dahil marami silang display na mga antigong vase, sa living room nila makikita mo ang marmol na sahig at dalawang mag ka tapat na sofa bed, sa gitna naman non ay isang coffee table na made of glass may maliit na flower vase din Ito sa gitna na may naka arrange na yellow and red tulip. meron ding mga single sofa sa gilid ng mahabang sofa bed, mga apat yon at same gray lang ang kulay.

Yung hagdanan nila spiral sobrang haba, kapagod siguro pag akyat jan, meron din silang gigantic chandelier na pwede kong lambitinan lay Rushed kung sakaling may gawin tong kalukuhan.

"Ito naman, kahit kailan hindi ka talaga concern sa akin" nakamgusong sabi ni Rushed

Pinitik ko lang ang nguso niya dahil sa inis, hindi bagay sa kanya ang nakanguso. Kadiri siya naalibadbaran ako sa mukha niya

"Pahawak ng cold compress Babylabs hindi kaya ng kamay ko, nanginginig Pato dahil hindi ko nasapak ang mukha ni Lash" napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya

Sinuri ko ng maigi ang kamay niya, hindi naman nanginginig tsk

"Kwento mo sa lelang mo yan Rushed tapos na ako dito, ikaw mag alaga sa sarili mo gurang kana, kaya mo na ang sarili mo, wag kang masyadong pabebe dahil nag mumukha kang chihuahua" irap ko

Mas napanguso si Rushed dahil sa simabi ko "ang sama mo"

I just shook my head "masama pa mukha mo!" Tumayo na ako at iniligpit ang mga ginamit ko sa pag gamot, ibinalik ko yun sa loob ng first aid kit.

Hawak parin ni Rushed ang cold compress at nakadikit na yon sa mukha niya, he's still pouting while blinking several times at me, probably making a cute face, but I know better and I am better hindi ako malilinlang sa ka kyutan ng mukha ni Rushed.

"Di mo ako madadaan jan" umirap ako "aalis na ako" pag paalam ko at akmang mag lalakad na paalis ng biglang hawakan ni Rushed ang pulsuhan ko at hinila ako pabalik pag upo sa sofa.

"Ano nanaman?" Iritado kong tanong sa kanya

Ano nanaman ang problema ng Mabilis nato?

"Stay" anak ng!

"Mukha mo stay, aalis na ako hahanapin na ako sa amin" bigla pumait ang sikmura ko, joke wala palang mag hahanap sa amin dahil wala namang may pake sa akin

"Dito ka muna Gust please, wala akong kasama dito! Ako lang mag isa, natatakot ako" iniyakap pa niya sa sarili ang free niyang braso, nag acting din siya na parang nanginginig at takot na takot

"Alam mo Rushed" ipinatong ko ang isa kong kamay sa balikat niya, he even startled because of it, huminga ako ng malalim Bago bumwelo "DI NA AKO NATUTUWA SA MGA PINANG GAGAWA MONG HAYOP KA! LALAYAS NA AKO DITO AT WALANG MAKAPAG PIGIL SA AKIN" I hissed

Napatakip ng tenga si Rushed dahil sa lakas ng sigaw ko, ang iba naman niyang katulong ay sumilip sa gawi namin para maki-usisa sa nangyari.

Ngayon sasabihin niya sa akin na wala siyang kasama, isa siyang dakilang animal na sinungaling ang galing mag acting, sana pala nag apply nalang sa going bulilit. Para may kasama na doon si Dagul!

Chasing That LesbianDove le storie prendono vita. Scoprilo ora