Chapter 7

297 15 0
                                    

Chapter 7

Masama ang tingin na ipinukol ko sa kaibigan kong si Ariel. Kanina pa ako naiinis sa Tomboy na to.

Kanina tinawagan niya ako at sinabing sunduin daw siya sa bahay nila.

Anak siya ng nanay niya ginawa niya akong driver, tapos ngayon naman inaagawan niya ako ng pag kain.

Di na siya nakakatuwa, nag uumapaw na yung inis ko dahil sa kanya.

Naku pag ako talaga nawalan ng pasensya sa babaeng to. Sasapakin ko na talaga to kahit na kaibigan ko pa to

Pag kain ang pinag uusapan natin dito men!

Nandito pala kami sa Starbucks dahil mag kikita kami ng mga barkada ko, mag uusap kami tungkol sa project namin.

Ngayon lang din kasi ang free day ni pareng Jess dahil walang practice ang mga basketball player kaya sinunggaban na namin ang pag kakataon.

"Ano ba yan Ariel inubos mo na ang cake ko" inis kong sabi.

Ngumiti lang Ito sa akin, napangiwi nalang ako dahil may bakas pa na chocolate cake sa ngipin niya.

Ang dugyot ng animal nato!

"Pabayaan mo na ako pre, gutom lang talaga ako eh" sagot niya at nag patuloy sa pag kain.

Hinayaan ko nalang, ako nalang yung nahiya.

Nag order ulit ako ng cake ay kumain.

Nakailang order na din kami ng cake. Bago dumating si Pareng Jess.

May suot pa itong sun glasses, iwan ko lang kung ano ang trip nito.

Hinubad niya ang sunglasses niya at doon namin nakita kung gaano kalaki ang eye bugs niya, pinag tawanan namin siya ni Ariel.

Anak ng, ang pangit! Para siyang zombie

"Inaantok pa ako" sabi niya

"Matulog ka nalang muna pre" saad ko

"Pero ang project" nag aatubili niyang sabi.

I immediately shut her off, project is important but health is more important. There are lots of time pa naman para magawa ang project, atsaka wala naman akong pakialam kung hindi kami maka comply.

Kung bagsak, edi bagsak. Problema ba yun?

"Knock down" sabi ni Ariel habang nakatingin sa natutulog naming kaibigan.

Naka ub-ob lang si Jess sa mesa habang natutulog, mukhang puyat na puyat.

And speaking of puyat na puyat!

Ako din puyat na puyat ako kagabi dahil sa sinabi ko kay Rushed, nakakahiya yun.

Buong byahe akong inasar ni Rushed tungkol sa girlfriend, boyfriend churvalo na yun. Di tuloy ako makatulog kakaisip kung bakit ko nasabi yun.

Bigla nalang kasi lumabas sa bibig ko, minsan naiisip ko nalang, siguro di ako ang may ari ng dila ko. Di ko na kasi ma control kung ano ang sasabihin ko.

Puro na lang mga nakakadiri tong lumalabas. Wala ng matino.

"Puyat siguro yan kagabi" ngumiti ng makahulugan si Ariel sa akin.

Alam ko na kung ano ang iniisip nito.

Mabilis kong kinuha ang tinidor ko at inambahan siya ng bato.

"Dirty minded" humalakhak pa siya.

Yung halakhak na sobrang lakas, kala niya siguro siya lang ang kumakain dito.

Chasing That LesbianWhere stories live. Discover now