Chapter 6

316 15 0
                                    


Chapter 6

Nakakadiri, super nakaka diri, sobra sobra sobrang nakakadiri, ultra mega super duper nakakadiri.

Ilang ulit akong nag hilamos at nag toothbrush, I even brush my lips para lang mawala lahat ng germs na dumikit dito, galing sa labi ni Rushed.

Kanina pa ako dito sa banyo ng kwarto ko, ilang oras na din akong nakatambay dito.

Gusto kong hiwain nalang yung labi ko para mawala yung bisa ng halik ng impaktong si Rushed.

Ang walang hiyang yun! Ninakawan ako ng halik.

Bwesit na lalaki!

Yung first kiss ko... Nawala na, 19 years ko yung iningatan eh tapos mawala lang ng ganon kadali. Aba ang hangal niyang litse siya.

Muli kong sinabunan ang bibig ko at brinushan . Paulit ulit ko na tong ginawa simula nung umuwi ako dito, pero habang ginagawa ko yun, paulit ulit din akong sinasampal ng katotohanan na wala na talaga ang first kiss ko.

Dati I always promise to take good care of my first kiss because its important. Gusto ko yung first kiss ko ay ibibigay ko Tao na mahal ko.

Pero walang hiyang Rush na yun. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya, Mabilis ang bilis niyang nakuha ang first ko, animal siya.

Nanunubig ang mata ko, naiiyak ako.

Big deal talaga sa akin yung kiss na yun eh, dahil importante yun.

Nak'ng animalia yung Rushed na yun, pero di bale na nga lang nasapak ko naman siya kanina pag labas namin sa Starbucks, pero kasi si parin sapat yun eh

Kulang pa yon, kung pwede lang basagin yung mukha niya matagal ko na talaga yung ginawa. Hayop siya lampastangan ampucha.

Muli kong tiningnan ang repleksyon ko sa salamin, hinawakan ko ang labi ko.

I can't believe na nahalikan ako ng Rushed na yun. Nakakadiri.

Kumuha ako ng towel at tinuyo ang mukha ko pag katapos ay lumabas na ako at pabagsak na inihiga ang katawan sa kama.

Ilang oras din akong nag pa gulong-gulong sa kama, muntik pa nga akong mahulog dahil sa sobrang likot ko. Hanggang ngayon hindi parin ako dinadalaw ng antok

How will I going to sleep now? Kanina pa ako nakahiga dito pero di parin ako makatulog

Inis akong bumangon at sumandal sa headrest.

Pusang gala...di ako makatulog kakaisip ng animal na halik na yon. Dimalas na nga siguro ako!

Bukas na bukas pag nakita ko talaga yang Rushed na yan patay sa akin yan. Kupal siyang talaga gusto ko na siyang sakalin.

Pusang gala dinamay pa pati pag tulog ko animal dihadong-dihado ako.

Seryoso nung umulan ng kamalasan sinalo ko siguro lahat yun.

__

Bangag

Yan ako kinabukasan, dahil kulang ang tulog ko punyetamers.

Sobrang bigat rin ng pakiramdam ko yung ulo ko, feeling ko mas bumigat pa ngayon parang may nakapatong na isang sakong bigas dito.

Tapos dagdag pa tong mata ko na parang may maliliit na bato, sobrang sakit at hapdi

Ito talaga ang napapala ko dahil sa halik na yun.

Wala sa sarili akong nag lakad papuntang banyo at ginawa ang daily routine Doon.

Pag ka tapos kong mag wisik-wisik ay agad akong lumabas at nag bihis.

Tumambay ulit ako sa Starbucks ni Kyla mi'lady same spot, na miss ko na kasi siya, di ko naman siya nakita kahapon dahil sa nangyari, nawala din sa isip ko na si Kyla ang pinunta ko dito.

Chasing That LesbianWhere stories live. Discover now