Chapter 11

265 12 0
                                    

Chapter 11

Kinabukasan maaga akong bumangon, well as always naman. Maaga rin akong nag ayos dahil mag kikita ulit kami nila pareng Jessy para mag usap para sa project.

Intrams din ng school namin ngayon, pero wala kaming balak manood. Di namin trip.

Inikot-ikot ko sa index finger ko ang susi ng sasakyan ko habang papababa ng hagdan.

Tanging mga katulong palang ang gising ngayon. Dahil matagal naman bumabangon ang daddy at step mom ko, lalo na si Shane tulog mantika yun eh!, Buhay prinsesa nga kasi

Pumunta ako sa garahian at pumasok sa cotse ko, pinaandar ko yun at mabilis na nilisan ang bahay namin.

Dinaanan ko Rin si Ariel sa bahay nila dahil hanggang ngayon nag papractice parin siyang mag maneho, wala pa siyang tiwala sa driving skills niya baka yun lang daw ang sanhi ng pag lisan niya sa mundo.

"Pre pasundo rin daw si pareng Jess" aniya ni Ariel ng makasakay na siya sa cotse ko

"Bakit daw?"

"Ginamit daw ni Lash ang cotse niya" kibit balikat na sabi ni Ariel

Di ko naman mapigilang mapangisi, yung dalawang yun, aabangan ko talaga ang love story nila, randam ko kasi, isang araw mahuhulog din sila sa isat-isa.

And I can't wait for that day to happen, knowing Jess walang alam sa pag ibig yun. Kaya this is so interesting

Medyo matagal bago muna kami nakarating kina pareng Jess dahil sa traffic, nakakastress talaga to.

"Pambihira talaga kayo no? Pinag iwanan niyo na talaga ako" biglang sabi ni Ariel

Sandali akong sumulyap sa kanya pero agad ko ring ibinalik sa kalsada ang atensyon ko, mahirap na baka mamatay pa tayo ng wala sa oras.

"Bakit?"

"Si Jessy may Lash ikaw naman may Rush, ibang klase" nag pailing iling pa siya na para bang manghang mangha siya.

"Tumahimik ka Ariel, walang kami ni Rush" inis na turan ko.

Naalala ko nanaman ang ginawa niya kagabi, ganon ba talaga siya kawalang hiya?

Kung ipakilala niya ako bilang girlfriend niya parang totoo talaga ah, lakas maka self proclaimed ng hayop.

May pa- enough to make me happy pa siya, eh kung suntukin ko kaya Yung mukha niyang litse siya. Lakas ng sapak niya sa utak, final na talaga to. May mental disorder si Rushed Floresca!

So therefore I volunteered myself to send him in the mental hospital.

"Kayo na pre, Denial ka lang talaga tsk, babylabs" ginaya niya yung tono ni Rushed

"Tahimik Ariel!"

"Babylabs" ulit niya pa

"Isa Ariel"

"Dalawa Augustine! Huh! Kala mo ikaw lang marunong mag bilang no? Men legendary to men, legendary" pucha ang sakit talaga sa ulo kausap nito!

"Kairita! Pag ikaw di tumahimik sisipain talaga kita palabas ng cotse kong tomboy ka"

Tumawa siya

"Hahaha kalma pre tatahimik na! Ayaw ko pang mabalian ng buto nyeta!"

Pag karating namin kina Jessy ay agad akong bumusina, mabilis naman siyang lumabas sa bahay nila at sumakay agad sa cotse ko.

"Bwesit na Lash yun ginamit ang pinaka mamahal kong cotse" agad niyang rant pag pasok

Tumawa lang ako

Chasing That LesbianOù les histoires vivent. Découvrez maintenant