Chapter 12

252 13 0
                                    

Chapter 12

Suot ang isang black hooddy, mask at sunglass ay nag tungo ako sa Starbucks, nakalimutan ko naman kasing kamustahin si Kyla kahapon. Kaya Balak ko siyang bisitahin ngayon.

Nag disguise rin ako dahil nag tatago ako kay Rushed. Ayaw ko siyang makita, ayaw ko siyang makasalubong. Dahil baka good bye second kiss na talaga at ayaw kong mangyari yun, hindi pwede, bawal isa yung malaking ekis.

But anyway pwede naman akong tumanggi kung sakali, ang problema nga lang ay. Ako mismo ang pumayag sa deal.

Kung Hindi lang naman kasi ako tatanga tanga ay wala sana ako sa sitwasyong ito ngayon.

Totoo nga ang sinabi nila, tayo lang talaga ang gumagawa ng sarili nating problema.

Mabilis akong bumaba sa taxi na sinasakyan ko at pumasok na sa Starbucks kung saan nag tatrabaho si Kyla.

Hindi ko dala ang sasakyan ko ngayon, kasi baka mag tungo rin dito si Rushed at makilala niya ang cotse ko edi sayang ang disguise keme ko. Matunton lang ako ng hayop na yun

Natanawan ko si Kyla sa may counter mukhang may sinasabi siya sa kahera doon kaya mabilis akong nag tungo sa direksyon niya.

Shit, ang ganda niya parin walang kupas, namiss ko bigla ang mala anghel niyang mukha.

"Kyla" tawag ko sa kanya ng makalapit ako, agad naman siyang nag angat ng tingin sa akin. Nakakujot ang noo niya habang sinusuri ako.

Para bang nag tatanong siya kung sino ako.

Nakalimutan na ata ako nito, ang bilis namang makalimot.

"Who are you?" Wala na may amnesia na talaga to.

"It's me Augustine" pakilala ko

Agad namang nanlaki ang mata niya, lumipad din ang kamay niya sa bibig niya at gulat na napatingin sa akin

"Augustine? Oh my ghad i miss you" lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Di ko alam Kung ano ano ang irereact ko, di ako makapaniwala na niyakap niya ako.

"Sorry hindi kita nakilala, ahm may takip kasi ang mukha mo"

Ay badtrip, oo nga pala. Naka disguise pala ako kaya hindi niya ako nakilala.

"It's been a while" saad ni Kyla at kumalas ng yakap sa akin

"Sorry hindi kita nakumusta, dalawang beses na akong pumunta dito actually di lang talaga kita nakausap" saad ko

Ngumiti naman siya "good thing you're here, it's nice to see you" hinila niya ako sa isang sulok, yung table na palagi kong inuupuan dati, kung saan kami nag uusap ni Kyla noon.

"Namiss talaga kita" pag sasalita niya

Ngumiti lang ako.

"Namiss din kita" sagot ko

"I never thought that im capable of missing someone that I newly knew"

"Same here"

"Order ka na, my treat" pucha libre!

"Wag na, salamat nalang"

"No, I insist tsaka minsan lang naman to, at kaibigan naman kita kaya ok lang"

Ay! kaibigan lang pala. Well what do I expect? Wala namang tatanggap sa kagaya kong tomboy. Kung meron man siguro pag-lalaruan lang ako. At ang iba wala lang piniperahan lang. Swerte nalang siguro ako kung may babaeng mag mamahal sa akin despite of my gender.

Pero di Bali na wala nanaman akong gusto kay Kyla, gusto ko nalang din siyang maging kaibigan. May takot parin naman ako sa Diyos. At kung mag kakagusto ako kay Kyla malaking kasalanan yun dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo. Pareho parin kami ng kasarian kahit na siguro mag pa transgender ako. Mali parin, kaya di Bali nalang.

Chasing That LesbianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon