Chapter 5

334 15 1
                                    


Chapter 5

Inis na inis akong nag lakad palayo sa classroom namin na walang tao.

Pucha sa dami ba naman kasi ng problema ko nakalimutan kong wala pala kaming klase dahil nag papractice lang ang mga athlete.
Tapos yung iba mukhang ginawang bakasyon ang week na to.

They're probably enjoying their lifes right now, like going out for shopping, hanging out with friends everywhere.

Like punyetamers lang bakit kasi di ako na inform?

Hahays!

At yung mga mababait ko namang ka-madlang tomboy di man lang ako tinext o chinat, mga hangal talaga ang mga yun.

Si pareng Jess porket may asawa na di na ako tinitext tapos si Ariel naman iwan ko kung saang lupalop na yun nilagay ng kaluluwa niya , di na nag paramdam ang hinayupak, makita ko lang talaga ang mga yun bibigyan ko talaga sila ng ultra mega super duper sapak, makikita talaga nila ang star sa umagang mga hangal sila

Argh nakakairita.

Nag iisa lang ako

Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa cotse ko, gusto kong gumala kaso wala akong kasama, ang boring naman, pero ayaw ko din namang umuwi masyado pang maaga para bumalik sa impyerno.

Nako ayaw ko pang umuwi sa kampon ni Satanas.

Tamad akong sumandal sa backrest ng driver seat habang nakahawak ang dalawang kamay sa steering wheel.

Saan ba kasi ako pupunta ngayon? Wala akong maisip na magandang lugar para galaan.

Napapikit ako sa sobrang inis. Kung bakit ba kasi di ako na inform na wala palang klase ngayon.

Kainis, nag iisa tuloy ako ngayon para akong broken hearted yung fresh pa galing sa break up na gusto humingi ng space

Oh ghad!

I hate being alone, though I'm already use to be alone, I still hate it.

I absentmindedly tap my fingers on the steering wheel while thinking the perfect place to go for a loner like me.

While thinking, Kyla's face suddenly flash into my mind, nakita ko yung ngiti niyang matamis na mas lalong nag papalitaw ng mala anghel niyang mukha.

Napa mulat ako ng wala sa oras. Tiningnan ko ang mukha ko sa rare mirror at ngumiti na parang timang

I know where to go now.

I immediately start my engine and the last thing I knew im already here inside the Starbucks, sitting on my favorite spot at the corner while waiting for Kyla to come out from her office.

Tinanong ko kasi yung crew nila kanina kung nasaan siya. They said she is currently in her office busy checking about something, i don't really know since I don't have any idea kung ano ang pinag gagawa nila

I order my favorite coffee and favorite cake while waiting for her.

Di naman ako nabobored since marami naman akong nakikitang tao sa loob, medyo maingay din kaya ok lang, keysa naman sa umuwi ako sa amin ng maaga.

Duh! Mamamatay lang ako sa katahimikan dun.

Nakarinig ako ng tawanan sa katabing table ko kaya napalingon ako dun.

Pero agad ko ring pinag sisihan ang ginawa ko

Nak ng tinapa kasi, nag haharutan na mag jowa pala ang nandoon. Nag susubuan pa ang mga hayop napaka sakit sa mata.

Napa irap ako bago sumipsip ng cappuccino

Mag hihiwalay din kayong mga hayop Kayo kasi walang forever, kilig and happy now. Break up and iyak later

Chasing That LesbianWhere stories live. Discover now