Chapter 13

246 13 0
                                    

Chapter 13

"Ang tagal naman dito" inis na turan ko

Pareho kaming nakapila ni Rushed sa sinehan, dito niya ako dinala matapos naming kumain ng pananghalian.

Isang horror movie ang pinili ko, dahil ako naman ang pinapili ni Rushed, well buti nalang talaga at ako ang pumili, dahil kung hindi, ay baka barbie na ang pinanood namin ngayon. Though mukhang wala namang barbie sa sinehan. Pero malay ko ba!

"Gusto mo ba ng popcorn?" Tanong ni Rushed

Nilingon ko siya "seriously? Tinatanong pa ba yun? Syempre oo!" Inis na turan ko

"Highblood kana niyan"

Sinamaan ko siya ng tingin

"Hehe sabi ko nga bibili na ako ng maraming popcorn, right away labs" mabilis niya akong iniwan at pumunta siya sa food court.

Turno ko ng pumasok ngunit wala pa si Rushed kaya nauna na ako, pinili ko yung upuan na walang halos katabi, dahil ayaw ko ng maingay sa sinehan, nahahighblood ako sa kanila.

Nag simula na ang introduction ng dumating si Rushed dala ang isang malaking cup na Puno ng popcorn, may dala rin siyang isang drinks.

My face immediately crumpled, anak'ng! Isa lang?

"Bakit isa lang Yung drinks?" Tanong ko

"Share na tayo" ngumisi pa siya

"Kadiri ka, ayaw ko!" I complained

Umupo siya sa tabi ko

"Edi wag bahala ka, pag ikaw nabulunan tigok ka!"

Kitams na tinakot pa ako ng hayop na to!

Kainis siya!

"Bakit ba kasi isa lang ang binili mo!"

"Eh occupied na lahat ng kamay ko, pano ko mahahawakan yun kung dalawa ang binili ko" katwiran niya.

Natahimik nalang ako dahil tama naman siya, ang shunga lang.

"Tsk"

"Oh!" I binigay niya sa akin ang popcorn at agad ko naman yung tinanggap, syempre pag kain to, bawal tanggihan. Ika nga nila, wag tatanggihan ang grasya!

"Anong movie bato?" Tanong ni Rushed

"Iwan basta, manood ka nalang" sagot ko habang ang mga mata koy naka fucos lang sa Screen.

Noong una medyo na bored ako dahim puro lang sila salita, pero nung nag simula na ang climax parang na excite na din ako. Naiinis pa nga ako sa Bida kasi bobo, at tanga. Alam niya naman na may multo don bakit pa siya pumasok. Hayyss naman.

"Nasa likod mo!" Inis na sikmat ko habang sumusubo ng popcorn.

"Aish Bobo talaga. Sabing nasa likod mo. Bakit ba ayaw mong makinig!"

"Kainis na talaga to sobrang tanga"

I keep on murmuring while staring at the screen.

I was about to put the popcorn on my mouth ng bigla nalang hablutin nung multo ang Bida kaya napatayo ako

"Ayan kasi ayaw makinig kaya buti nga sayo" inis na bulyaw ko habang tinuro turo pa ang screen

Nag simula na ring mag sigawan ang iba pang nanonood, may mga mag jowa pa na nag yayakapan. Sos mga bwesit sa mata. Ang oo-a nga kasi ng mga babaeng yan. Kunwari takot sila para makayakap sa boyfriend nila tapos ito namang mga lalaki na dakilang kulukoy mga chansingero din ayan. Ang lalaki ng ngisi. Mga bwesit talaga!

Chasing That LesbianWhere stories live. Discover now