5

264 6 0
                                    

Kabanata 5: Ang Liwanag sa Gabing Madilim
Dumating si Ibarra sa kanyang tinutuluyan sa Fonda de Lala. Agad itong naupo sa kanyang silid.

Nagmasid-masid ito sa kapaligiran habang may gulong tumatakbo sa kanyang isip dahil sa sinapit ng ama.

Natanaw niya mula sa kanyang bintana ang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang tunog na gawa ng orkestra at ang kalansing ng mga piggan at kubyertos.

Natanaw din niya ang isang magandang babae na may balingkinitan na pangangatawan at may kasuotang diyamante at ginto.

Siya si Maria Clara. Giliw na giliw na nakatingin ang lahat sa ganda ng dalaga. Dahil sa pagod na isip at katawan ni Ibarra ay mabilis siyang nahimlay.

Talasalitaan:
Tinutuluyan – tinitirahan
Nagmasid-masid – tumingin tingin
Natanaw – nakita
Kalansing – tunog
Kubyertos – kutsara
Balingkinitan – payat
Nahimlay – nahiga

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now