40

63 4 0
                                    

Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas

Alas-dyes ng gabi nang sinimulang paputukin ang mga huling kwitis hudyat ng pagsisimula ng dula. Karamihan sa mga tao ay papunta na upang manood ng nasabing pagtatanghal.

Sa unang hanay nakaupo ang mga sikat na tao sa bayan katulad ng mga Kastila at opisyal ng bayan. Samantala ang mga hindi nabanggit ay nakaupo sa likuran. Ang mga maralita naman ay makakatayo lamang sa mga upuang dala-dala nila.

Pinamumunuan ni Don Filipo ang dula dahil abala sa pagsusugal ang alkalde ng mga gabing iyon. Nagdatingan na ang iba pang mga panauhin katulad ni Maria Clara kasama ang kanyang mga kaibigan, si Padre Damaso, si Padre Salvi, at ilang Kastilang panauhin.

Maya-maya pa ay sinimulan na ang palabas sa pag-awit nina Chananay at Marianito. Habang abala sa panonood ang lahat napansin naman ni Padre Damaso ang noo’y matamlay at may dinaramdam na si Maria Clara.

Nasa ikalawang bahagi na ng dula nang dumating si Crisostomo Ibarra. Napabuntong hininga si Padre Damaso nang makita niyang nakatingin ang lahat sa dumating na binata.

Hindi naman ito pinansin ni Ibarra at agad na tumabi kay Maria Clara. Nang nakita ni Padre Damaso na masayang nag-uusap ang magkasintahan, agad itong tumungo at nakipagkomprontasyon kay Don Filipo.

Ngunit isa si Ibarra sa may pinakamalaking abuloy kung kaya’t hindi niya ito maaaring paalisin. Dahil hindi napaalis si Ibarra, si Padre Damaso na lang ang umalis kasama ng ibang pari.

Ilang sandali pa’y umalis na din si Ibarra sa dula dahil sa kahihiyan nito. Aniya meron pa siyang ibang lalakarin sa araw na iyon.

Habang nanonood ang lahat ay may dalawang sundalo ang dumating at inutos na itigil ang pagtatanghal sa kadahilanang hindi daw makatulog sa ingay ang alperes at ang senyora.

Nagkagulo naman ang lahat ng hindi pagbigyan ni Don Filipo ang utos ng dalawang sundalo. Galit na galit ang mga tao dahil sa pagpapahinto ng tanghalan.

Pinagbabato ng mga lalaki ang dalawang sundalo at pinalibutan naman ito ng mga kwardriyerong may hawak na espada.

Muling bumalik si Ibarra at agad na hinanap si Maria Clara. Humingi ng tulong si Don Filipo kay Ibarra na patigilin ang kaguluhan ng lahat ngunit hindi ito kaya ng binata dahil sa sobrang dami ng tao.

Mabuti nalang at naroroon si Elias sa lugar nang mangyari ang gulo. Humingi ng tulong ang binata kay Elias. Ilang saglit pa’y unti-unting naging bulungan ang malakas na sigawan ng mga tao.

Habang nagkakagulo naman ang lahat ay naroon si Padre Salvi sa itaas ng kumbento na nagmamasid sa lahat ng tao. Napansin niyang wala si Maria Clara doon kaya naisip nitong baka itinanan na siya ni Ibarra.

Mabilis na nagbihis ang pari at lumabas ng kumbento. Nagtungo ito sa plasa upang hanapin ang dalaga ngunit wala ito doon. Sunod namang nagpunta ang pari sa bahay ni Kapitan Tiago at doon ay natagpuan ang dalaga na nakahiga sa kanyang silid.

Talasalitaan:

Hudyat – signal

Maralita – dukha, mahirap

Alkalde – mayor

Matamlay – mahinang mahina

Abuloy – pagbibigay sa nangangailangan

Kumbento– simbahan

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now