8

179 5 0
                                    

Kabanata 8: Ang mga Alaala

Ang kalungkutang naramdaman ni Ibarra sa pag-alis niya sa bahay ni Maria Clara ay napalitan ng kagalakan nang libutin niya ang kamaynilaan sakay sa kalesa.

Nandoon parin ang ingay at gulo ng maraming karwahe, kalesa at kareta. Ikinalungkot ni Ibarra ang walang pagbabagong naganap sa lalawigan.

Baku-bako parin ang mga kalsada at nandoon parin ang makapal na alikabok na pumupuwing sa lahat ng nagdadaan. Ang mga alikabok ay nagiging malagkit na putik kapag umuulan na siyang tumatalsik sa mga taong dumadaan.

Pagkatuyo ng daan ay sapilitang pinagtatambak ng baku-bakong daan ang mga billanggo habang nakakadena ang mga paa. Ang palo ng mga gwardiya sibil ang lumalatay sa katawan ng mga bilanggo dahil sa mala-pagong na pagkilos nito.

Natanaw ng binata ang pagbabago sa Escolta. Ang dating hilera ng bodega ay naging mga gusali na.

Nakita din ni Ibarra ang pagawaan ng tabako sa Arroceros. Nandoon parin ang mga kakabaihang nagtutulong-tulong sa pagpapatuyo ng dahon ng tabako.

Habang patuloy na nagmamasid si Ibarra sa paligid ay may natanaw siyang isang karwaheng papalapit sa kaniya. Nakasakay doon si Padre Damaso na nakakunot ang noo at tila may malalim na iniisip.

Sa pagdaan ng karwaheng sinasakyan ni Ibarra sa Hardin ng Botaniko, naalala niya ang magagandang halaman sa Europa.

Agad namang naparam sa isip ng binata ang maririkit at makukulay na mga bulaklak sa hardin ng mapadaan sa Bagumbayan na kilala bilang lugar ng kamatayan.

Nanariwa sa kanya ang payo ng kanyang gurong pari na ang karunungan daw ang siyang liwanag sa kamangmangan. Kung may pagkakataon na mangibang bansa ay kuhanin ang opurtunidad dahil ito ang magpapaunalad sa sarili na siyang makakatulong din sa pagpapaunlad ng bansang kinabibilangan.

Talasalitaan:

Kagalakan – kasiyahan

Karwahe – sasakyan na hilahila ng kabayo

Kareta – kariton

Baku-bako – sira sira

Lumalatay – bumabakat

Naparam – naglaho

Marikit – maganda

Kamangmangan – walang alam

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now