Kabanata 12

131 5 0
                                    

Kabanata 12: Ang Araw ng mga Patay

Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuan sa gitna ng malawak na palayan. Ito ay nahaharangan ng lumang pader at kawayan.

Sa gitna nito ay may nakapwestong malaking krus. Mahirap ang makarating sa sementeryo dahil sa masukal na libingan. Maputik ang daanan kung tag-ulan, maalikabok naman kung tag-araw.

Bumuhos ang napakalakas na ulan noong gabing iyon. Dalawang tao ang mabilis na naghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo.

Ang isa ay dalubhasa na sa pagiging sepulturero at ang isa naman ay baguhan palang. Hinukay at iniahon ng dalawa ang bangkay na siyang kakalibing pa lamang makalipas ang dalawampung araw.

Ang pagpapahukay at pagpapalipat ng bangkay sa libingan ng mga Intsik ay utos mula kay Padre Garrote na siyang si Padre Damaso.

Talasalitaan:

Malawak – malaki

Masukal – madamo

Dalubhasa – magaling

Sepulturero – nagtatrabaho sa sementeryo

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now