11

128 2 0
                                    

Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan

Si Don Rafael ay hindi makapangyarihan bagamat siya ang pinakamayaman sa lugar. Kailanman ay hindi siya nagyabang kahit siya ay nagmamay-ari ng napakaraming lupain.

Hindi din makapangyarihan si Kapitan Tiago bagamat nagpapasalubong siya ng orkestra at nagpapaulan ng regalo.

Hindi rin pwede ang alkalde dahil hindi ito nakapag-uutos dahil siya mismo ang sumusunod.

Ang tunay na makapangyarihan ay ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes. Si Padre Salvi ang kura paroko na pumalit kay Padre Damaso. Siya ay mas mabait na maituturing kumpara kay Padre Damaso.

Ang Alperes ay mapambugbog sa asawa, lasinggero, at malupit sa kanyang tauhan. Nakatuluyan niya ang isang Pilipina na si Donya Consolacion na mahilig maglagay ng kolerete sa mukha.

Palihim na may hidwaan ang dalawang makapangyarihan ngunit sila ay nagkukunwaring magkasundo sa harap ng madaming tao.

Talasalitaan:

Alkalde – mayor

Kura paroko – pinakamataas na pari sa simbahan

Alperes – opisyal ng militar

Hidwaan – pagaaway

Noli Me TangereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon