38

53 2 0
                                    

Kabanata 38: Ang Prusisyon

Kinagabihan, nagsimula na ang sunod-sunod na ingay ng mga paputok at sinabayan pa ito ng pagkalembang ng kampana.

Itinayo sa tapat ng bahay ng alperes ang isang kubo kung saan gaganapin ang pabasa sa banal na patron. Nag-inspeksyon din ang kapitan sa buong bayan kasa-kasama sina Ibarra, Kapitan Tiago, at ang alperes.

Ayaw sanang sumama ni Ibarra sa paglilibot dahil mas gusto niyang panoorin ang prusisyon mula sa balkonahe nina Maria Clara ngunit nahihiya naman itong tumanggi sa paanyaya ng Kapitan Heneral.

Tatlong sakristan ang nangunguna sa prusisyon na sinundan naman ng mga estudyante at mga guro. Kasama rin sa pila ang mga batang may hawak na makukulay na parol.

Palakad-lakad ang mga gwardiya sibil habang mahigpit na nagmamasid sa paligid upang mapanatili ang kaayusan ng prusisyon.

Habang nakikita naman ni Pilosopo Tasyo ang mga paputok, bulaklak, parol, at mga kandila na siyang nagpapaganda sa paligid ay bubulong-bulong ito. Aniya hindi mahalaga kung ano ang dinadamit mo o kung ano ang mga nakadisenyo sa paligid. Ang mahalaga ay ang mabuting gawa hindi lamang garbo ng mga salita.

Isang batang lalaki na may pakpak ang lumabas sa entablado upang pasimulan ang ang pabasa. Muling nagpatuloy sa pagtugtog ang banda at paglakad ng prusisyon.

Nang mapatapat ang karosa ng Birhen sa harap ng bahay ni Kapitan Tiago ay may narinig sila na isang mala-anghel na tinig. Boses iyon ni Maria Clara na umaawit ng Ave Maria habang tumutugtog ng pyano.

Ramdam na ramdam ang kalungkutan ng dalaga sa kanyang pag-awit. Dinig na dinig din ni Ibarra ang awit ni Maria Clara na puno ng lungkot at pait.

Hindi napansin ni Ibarra na pinagmamasdan pala siya ng Kapitan Heneral. Niyaya ng Heneral si Ibarra sa hapagkainan at pinag-usapan nila ang dalawang batang nawawala na sina Crispin at Basilio.

Talasalitaan:

Pagkalembang – pagtunog

Alperes – batang opisyal ng militar

Prusisyon – parada

Garbo – maganda, magara

Karosa – karwahe

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now