27

73 4 0
                                    

Kabanata 27: Sa Pagtatakipsilim

Malaki ang handaan sa bahay ni Kapitan Tiago at kaniyang pinagmamalaki na panauhin niya si Crisostomo Ibarra, ang kanyang magiging manugang.

Tanyag sa Manila si Ibarra. Ginawan siya ng artikulo na may pamagat na “Tularan Ninyo Siya”. Sinasamantala ni Kapitan Tiago ang kasikatan ng binata at umaasa na kasama siyang mapuri sa mga pahayagan.

Sa gabing iyon din ay hinandugan ni Kapitan Tiago si Maria Clara ng isang laket na may dyamante at Esmeralda.

Masayang nagharap si Kapitan Tiago at Ibarra. Nagmungkahi naman si Kapitan Tiago na ipangalan ang pinapatayong paaralan kay San Francisco.

Niyaya ng mga kababaihan si Ibaraa at Maria Clara upang mamasyal at pinaunlakan naman ng dalawa ang paanyaya. Bilin ni Kapitan Tiago na maagang umuwi ang dalaga dahil kasalo nila sa hapunan ni Padre Damaso.

Inanyayahan din ni Kapitan Tiago si Ibarra na makasama sa nasabing hapunan upang magkaayos ang binata at ang pari ngunit nagdahilan si Ibarra na may panauhin din siyang darating.

Patuloy sa paglalakad ang mga dalaga kasama ang magkasintahan na sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Isinama din nila si Sinang ng mapadaan ang mga ito sa kanila.

Sa bayan ay may nakita silang isang ketongin na pinandidirihan at nilalayuan ng mga tao. Naawa si Maria Clara sa ketongin, lumapit ito at ibinigay niya ang laket na iniregalo ng ama.

Lumapit naman ang baliw na si Sisa sa ketongin. Tinuro niya ang kampanaryo sabay sabing nandoon daw ang kanyang mga anak.

Umalis ang ketongin dala ang bigay na laket ni Maria Clara. Natuklasan ni Maria Clara na marami ang mahihirap sa lugar na iyon.

Talasalitaan:

Panauhin – bisita

Mapuri – pinagmamalaki

Hinandugan – inalayan

Nagmungkahi – nagpahayag

Paanyaya – imbitasyon

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now