6 - 7

299 5 0
                                    

Kabanata 6: Kapitan Tiago
Si Kapitan Tiago ay maliit at may kutis na kayumanggi. Batid sa itsura niya ang pagiging masunurin at pagiging relihiyoso.

Meron siyang maitim na buhok, singkit na mga mata, at matangos na ilong. Kundi dahil sa madalas niyang pagtatabako at pagnganga na dahilan ng pagtambok ng kaniyang pisngi, masasabing gwapo si Kapitan Tiago.

Tinitingala si Kapitan Tiago dahil isa siya sa pinakamayamang mangangalakal sa Binondo. Marami siyang lupain at ari-arian sa iba’t-ibang lugar.

Naniniwala siya na ang pagiging malapit niya sa Diyos at sa simbahan ay base sa magandang gawa. Hindi ito nagdadasal kahit na may matinding pangangailangan. Sapagkat napakayaman, pera ang kaniyang pinagdarasal.

Sa tirahan ni Kapitan Tiago ay makikitang isang magandang kapilya na puno ng santo’t santa. Hindi siya nagpapahuli kung abuloy sa panrelihiyon ang pag-uusapan.

Sa taunang parangal sa Birhen ng Antipolo, si Kapitan Tiago ang karaniwang gumagasta ng malaki para balikatin ang halaga ng dalawang misa na kinapapalooban ng mga awitin, kwitis, at paputok. Handa siyang gumastos ng malaki dahil naniniwala naman siya na bultu-bultong biyaya naman ang matatanggap niya taun-taon.

Malapit din si Kapitan Tiago sa pamahalaan katulad ng pagiging malapit nito sa simbahan. Handa siyang sumunod kahit sa mga maliliit na opisyal.

Mapulitika si Kapitan Tiago. Lagi siyang may handang orkestra na bumabati at humaharana sa mga kaarawan ng Kapitan Heneral, alkalde at mga piskal.

Nag-iisang anak si kapitan Tiago ng isang mag-aasukal. Mayamang maituturing ang mga magulang nito ngunit ganid na ayaw gastahan ang pag-aaral ng anak. Napilitan itong mamasukan sa isang Dominikong pari noong siya ay musmos pa lang.

Umalis si Kapitan Tiago sa simbahan ng mamatay ang Dominikong pari. Sa kanyang pagbibinata ay hinarap niya ang pagiging mangangalakal. Nakilala at kalauna’y pinakasalan niya ang isang magandang babae na taga-Santa Cruz, si Pia Alba.

Nagtulungan ang dalawa upang paunlarin ang kanilang kabuhayan. Panay ang pagpapayaman ng dalawa ngunit ang isang malungkot na pangyayari sa anim na taon nilang pagsasama ay hindi man lang sila nagkaanak.

Pinayuhan siya ni Padre Damaso na magpunta sa Obando, sumayaw at humingi ng isang sanggol na lalaki sa piyesta ni San Pascual Bailon.

Dahil sa payo ay nagdalang tao si Donya Pia. Pero isang napakaselang paglilihi ang dinanas nito. Naging malungkutin siya at nawala ang dating matamis na ngiti.

Isang napakataas na lagnat ang dumapo dito dahilan ng kanyang pagkamatay. Naiwan niya ang isang magandang sanggol na babae.

Pinangalanan itong Maria Clara bilang pasasalamat kina Nuestra Señora de Salambao at Santa Clara. Naging ninong ni Maria Clara si Padre Damaso dahil ito ay kaibigan at tagapayo ng mag-asawa.

Lumaki si Maria Clara sa pangangalaga ni Tiya Isabel. Nanirahan ito sa San Diego dahil tuwang-tuwa sa kaniya si Padre Damaso.

Si Maria Clara ay mayroong malalaki at maitim na mga mata, mahahabang pilikmata, mamula-mulang kulot na buhok, matangos na ilong, maninipis na labi, at makinis at maputing balat.

Naging sentro ng pagmamahal si Maria Clara. Giliw na giliw maging ang mga pari sa kanya. Lagi binibihisan si Maria Clara ng puting-puting damit at inaadornohon ng mga sariwang halaman tuwing prusisyon.

Ipinasok sa kumbento ng Santa Catalina si Maria Clara nang siya ay magdalaga. Kailangan daw nitong matutunan ang isang istriktong pag-aaral kung paano maging relihiyosa.

Malungkot siyang nagpaalam kay Padre Damaso at kay Ibarra na siyang kaibigan niya simula pagkabata. Pitong taon itong mamamalagi sa kumbento kung saan ay paminsan-minsan lang maaaring makausap ang mga tagalabas sa pamamagitan ng mga siwang ng rehas na bakal.

Nang pumasok sa beateryo si Maria Clara ay siya namang alis ni Crisostomo Ibarra. Maliit pa lamang ang dalawa ay may nabuo nang plano ang kanilang mga magulang na sina Don Rafael at Kapitan Tiago.

Kahit na nasa magkalayong lugar sina Ibarra at Maria Clara ay matapat parin silang nag-iibigan.

Talasalitaan:
Relihiyoso – banal
Abuloy – pagbibigay
Gumagasta – gumagastos
Bulto-bulto – madami
Alkalde – mayor
Piskal – dumudulog
Ganid – mapanglamang
Dominiko – prayle, pari
Musmos – bata
Maselan – sensitibo
Adorno – palamuti
Siwang – maliit na butas
Beateryo – tinitirhan ng mga madre

kabanata 7

Kinabukasan, maagang maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.  Pagkatapos ng misa, nagyayang umuwi na si Maria.

Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay.  Si Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi.  Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan.  Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan.  Sapagkat medyo namumuutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiyago na magbakasyon siya sa Malabon o sa San Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Tinagubilin ni Kapitan Tiyago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan sapagkat hindi na siya babalik sa Beateryo.

Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat.  Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria.  Tinulungan siya ni Tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin.  Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.

Pamayamaya, lumapit sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel.  Tinanong Maria si Ibarra, kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga roon.  Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakakalimot.  Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang.  Si Maria man, anya, ay hindi nakakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang padre kompesor na limutin na niya si Ibarra.

Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling pagbabati, at pagkapatawa ni Maria ng tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra.  Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria.  Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni Maria ng sambong sa loob na kanyang sumbrero upang hindi maitiman.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na.  Pero, mabango pa rin.  Inilabas naman ni Maria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa.  Binasa ito ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now