29

57 3 0
                                    

Kabanata 29: Ang Araw ng Pista

Maagang nagising ang mamamayan dahil sa tunog na dala ng umiikot na banda ng musiko. Maririnig din ang ingay na hatid ng kalembang ng kampana at mga tunog ng paputok.

Magarbo ang mga kasuotan ng lahat kahit ang mga sabungero. Ngunit tanging si Pilosopo Tasyo lang ang hindi nagpalit ng kasuotan.

Para sa matanda ay pagsasayang lang ng pera at pagpapakitang tao ang pagdiriwang na iyon. Sa halip na aksayahin ay dapat ilaan nalang ang mga perang ito sa mas kapakipakinabang na bagay.

Ganun din naman ang pananaw ni Don Filipo ngunit wala siyang lakas ng loob para di sumang-ayon sa pag-uutos ng pari.

Alas-otso na ng magsimula ang prusisyon ng mga santo at santa. Nagtapos ang prusisyon sa tapat ng bahay Kapitan Tiago kung saan nag-aabang sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra kasama na ang iba pang panauhin na Kastila.

Talasalitaan:

Kalembang – tunog ng kampana

Magarbo – bongga, marangya

Pilosopo – naguusisa, matalinong tao

Prusisyon – parada

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now