Heiress 65: Best Course of Action

9 0 0
                                    

Heiress 65:

Irene's POV

"Class dimissed." Pagkasabing pagkasabi ng prof namin non ay agad akong tumayo.

Ugh! Kapagod mag-aral. Kung di ko lang talaga kailangan mag-aral di na ako mag-aaral. Nakakasawa, paulit ulit nalang naming pinag-aaralan yung history ng mga subject. Calculus, Marketing, Economy, ang sakit sa ulo.

Puro numbers pa tapos ang daming pang pinagagagawang essay.

*BZZT *BZZT

Kinuha ko ang phone ko at nakita kong si Elijah pala ang nagtext.

From: Elijah

Nandito ako sa parking lot. Tapos na klase mo?

Tinawagan ko naman sya at agad naman nyang sinagot.

[Hello! Tapos na klase mo?] sabi nya

"Hindi pa. May activity pa kami." Sabi ko habang papunta ako sa parking lot

[Ano? Naku, Irene, baka mapahamak ka naman sa ginagawa mo. Wag ganyan.] Sabi nya kaya natawa ako

Napatigil ako sa pagtawa nang may makita ako.

[Hello? Irene, nandyan ka pa ba?] tanong nya

"Tawagan kita mamaya." Sabi ko at ibinaba ang tawag

Umiwas ako ng tingin, at nagdirediretso ng lakad pero pagdating ko sa may quadrangle ay hinarang ako ng ilan sa mga tauhan nya.

"Hindi mo manlang ba ako babatiin?" tanong nya kaya hinarap ko sya

"Bakit ka nandito?" tanong ko

"Isa ako sa mga shareholders ng SA, Irene, syempre pwede akong bumisita dito." Sabi niya

"Then I'm going to go ahead." Sabi ko

"I want to talk to you in private." Sabi niya kaya sumunod ako sa kanila

Pumunta kami sa parking lot, pumasok ako sa kotse nya at umupo sa backseat katabi nya.

"You're not planning on telling me to back off from being in line, are you?" tanong ko sa kanya. Mahina syang natawa kaya napailing ako.

"No. Rhea dislikes the idea of putting you in trouble to save our children but I know you'll hate me if I remove you from the line." Sabi nya

"I see. If you will just excuse me." Sabi ko at akmang bubuksan na ang pinto

"You're dating that police officer, aren't you?" natigilan ako sa tinanong nya pero huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya

I clenched my fist when I saw his taunting gaze. What a jerk.

"You care because? Oh right, I think I know why." Sabi ko at nakipagsukatan ng tingin sa kanya

"I hope you keep in mind that before I got my place in line to the inheritance of Eel, I first became the most trusted reaper of Hanazono Mafia, kaya kug inaalala mong mapapahamak ang Eel alalahanin mo munang hinding-hindi ako gagawa ng ikakapahamak ng pamilya ng mga kaibigan ko." Seryoso kong saad

"You've grown up, Irene." Sabi niya

"Of course. I'm already 19, Tyrone, hindi na ako bata." Sabi ko

"Hindi ka na nga bata pero hanggang ngayon hindi mo parin ako matawag na Papa." Sabi niya

"Kung wala na tayong importanteng pag-uusapan, mauuna na ako." Sabi ko at lumabas ng kotse nya

Heiress (Hanazono Series #2) [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora