Chapter 12

228 17 1
                                    

[LYN]


Papasok na ako ng school. Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kahapon. Parang familiar kasi siya e. Parang matagal ko na syang nakilala.

"Lyn!" Si Arisa pala. Naglalakad siya, kaya sinamahan ko siya.

"Oh musta na?" tanong niya.

"Ayos lang naman. Ikaw?" tanong ko sa kanya.

"Oo ayos na ayos naman! Ako pa! Hahahaha." sabi niya.

"Mabuti naman. Teka, may kakilala ka bang Lian Vergara?" tanong ko sa kanya.

"Lian Vergara? Oo, pinsan yan ni Joanna eh. Hahahahaha bakit? Crush mo? Ayieee! Ayieee!!" sabi niya habang kinikiliti ako. Loka loka talaga oo!

"Oi hindi noh! Utak mo grabe!" sabi ko sakanya.

Nasa room na ko tapos siya dumiretso na si Arisa sa room nila. Magkaiba kasi kami ng section.

Tapos biglang tumabi sakin si Joanna. Ay parang kabute kung sumulpot. -___-

"May kakilala akong may gusto sa'yo." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Huh sino?" Tanong ko.

"Secret!" Tapos sabay ngiti. 

"Pinapaabot nga pala ng secret admirer mo." Tapos binigay sakin ni Joanna ang isang letter. 

Tapos binuklat ko yung letter. 

Hindi pa siguro ito ang tamang oras para makilala mo ko. Pero malapit na. 

Sana mapansin mo ko. 

-unknown

Tapos bigla nalang dumating si Maam. At may inannounce.. 

"In 3 days, Magkakaroon tayo ng JS prom." Tapos napuno ng tilian yung classroom namin.

"Atsaka, kayo na ang bahala pumili ng partner." Tapos mas lalong lumakas tilian nila. 

"And.. May meeting kami so wala tayong klase this whole day. Have fun and wag masyadong magulo. Goodbye class." sabi ni maam tapos labasan na namin. 

Pinuntahan na namin si Arisa at kasama niya si Gian, pati si.... Lian? 

"Lian? Ikaw ba yan?" Tanong ko.

"Lyn? Oo ako nga. Pwede ba tayo mag-usap?" Sabi niya.

"TEKA LANG! MAGKAKILALA KAYO?!" Tanong ni Joanna. 

"Oo, bakit gulat na gulat ka?" Tanong ko. 

"Wala lang. Sige sige, mag-usap na kayo." 

Tapos pumunta kami ni Lian sa school grounds. 

"Lyn pwede bang ikaw nalang partner ko sa JS?" nagulat naman ako sa tanong niya. First time na may umaya sakin sa ganto.

"Hmmmm. Sige.." Pumayag ako. Nakakahiya naman kung hindi. :3

"Talaga? Salamat ah! Salamat!" Tapos niyakap niya ko.

"Ah.. sige. No problem. Sabay tayong umuwi mamaya?" Tanong ko. 

"Sige. :)" sabi niya.

Tapos sabay na kami umuwi.

Naramdaman ko nanaman to...

Hindi pwede..

Pero.. napakabilis naman..

Crush lang ito..

Mawawala din..

Sana nga.

[TO BE CONTINUED]

#PaasaGangWhere stories live. Discover now