Chapter 7

236 21 2
                                    

CHAPTER 7

[JOANNA]

Christmas Party namin ngayon. Naglalaro kami ng bring me. Lagi akong nananalo hahaha.

"Bring me picture of your crush. Sabihin narin name and section!"

Shet wala akong crush. Pero may stolen akong picture ni Jaycee. MWAHAHA!

Tumakbo ako at sumigaw "JAYCEE SANTOS! CLASS 4-A"

Tapos nag-ayieee silang lahat. Nakng.

"Speaking of.. JOANNA AYAN NA SIYA!" Napatingin ako. Hala sakto nga nandyan na siya.

Punong puno ng tilian ng room. Nangunguna yang si Lyn sa pagtili. Sarap hugutin yung vocal chords eh!

"JAYCEE CRUSH KA NI JOANNA!" Sigaw nung isa.

"JAYNNA! JAYNNA!" Sabi pa nung iba.

Tapos lumapit si Jaycee sakin. "Talaga? Crush mo ko?" Napangisi siya.

"Asa ka naman!" Sabi ko sabay tulak sa kanya. Tapos umalis na ko.

"May nakalimutan ka!" Sigaw nya tapos may binato saking malambot. Pagkakita ko.. Olaf na stufftoy. Tapos may from Jaycee.

Tapos may note.

Para sa chubby kong crush.

Ha? Tapos pagtingin ko sakanya. Nakangiti siya.

[TO BE CONTINUED]

#PaasaGangWhere stories live. Discover now