Chapter 33

90 2 2
                                    

A/N: HELLO! SORRY KUNG ILANG YEARS BAGO KO ITO I-UPDATE. NATUWA LANG KASI AKO SINCE MAY NAGBABASA AT NATUTUWA AKO SA COMMENTS NIYA.

Hello @Black_Monique , thank you sa pagbabasa and comments, nainspire ako mag-update ulit so dedicated itong chapter na ito para sayo.

Please, VOTE AND COMMENT! Hope you enjoy the chapter.

PLUG: Read my other story: Butterfly.. (Fantasy, Romance, Comedy, Fanfiction)

[ARISA]

Bumalik na ako ng dorm, pagkatapos kong mag-istay sa park. Marami akong narealize.. Handa na rin akong tanggapin ang mga consequences na mangyayari sa mga decision na ginawa ko.

Bago ako pumasok, napadaan ako sa room nila. Ito na siguro yung right time. Dahil kung hindi ngayon, kailan pa?

I'm sorry Gian. Alam kong walang tayo, pero alam ko.. Nararamdaman ko na may gusto ka sakin. Ginagawa ko 'to para sa'ting dalawa.

*knock knock*

"Gian..." Nagsisimula na mamuo yung luha sa mga mata ko.

Hindi ko na pala kailangan tapusin ang lahat ng ito..

Ikaw ang tumapos.

Ikaw ang tumapos... sa paraang tinapos ng kuya mo ang sa'min.

Niloko mo ko.

Parehas lang kayo.. Parehas kayong paasa at manloloko.

Di ko na kaya masaksihan yung mga panloloko mo.

Tumakbo nalang ako paalis.

Imbis na bumalik ako sa kwarto namin, eto ako ngayon nagpapakalayo layo.

[CHLOE]

Di parin kami magkaayos ni Ashleen. Magkasama kami sa iisang bubong pero di niya ko pinapansin..

Sobrang namimiss ko na siya.

Sa loob ng maikling panahon, tinuring ko na siyang parang kapatid.

Sa loob ng maikling panahon.. Hindi na kaya ng konsensya ko ang mga nalalaman ko. Hindi ko na kaya isipin yung mga kasinungalingang sinabi ko sayo.

Kung wala lang akong utang na loob, hindi mangyayari to.

(FLASHBACK)

Itinutok ni Dianne yung kutsilyo kay Lyn. Hindi ko na kaya ginagawa niya. Nakatakas siya pero nasaksak parin siya sa likod at naramdaman kong nawawalan na sya ng malay.

"Eww, blood. But i love it!! HAHAHAHAHA!" Baliw na talaga siya. Hindi ko siya masisisi, marami siyang napagdaanan, kaya siya nagkaganyan.

"You" Turo nya sakin. "Put her inside. Now!" Nauna na siya bumalik sa sasakyan pero nung bubuhatin ko na si Lyn may sasakyan na dumating. Hala. Nataranta ako kaya nagtago ako agad.

Siya yung babaeng inutusan ni Master pero gusto ni Master na mas mapadali yung gawain at di na siya makapaghintay kaya gumawa agad siya ng plano.

Malalaman niya to! Hindi pwede!! Magagalit sakin si Master at baka may gawin siyang masama sakin.

"Nasan ko ba kasi naiwan yun. Lagot ako nito, gabi na."

Dali-dali akong tumakbo at tinakpan ko ng panyo yung mukha niya. Pumapalag palag siya pero nung naramdaman kong wala na siyang malay kaya itinabi ko muna siya sa may puno.

Bumalik naman ako sa pwesto ni Lyn at binuhat na siyang pabalik ng sasakyan. Nakita ko namang nakatingin siya ng masama sakin.

"Mauna ka na, may aasikasuhin ako." At dahil don umalis na sila at dinala ko naman yung babae sa sasakyan at dahil kilalang kilala ng Master ko ang babaeng ito. Naihatid ko siya sa bahay nila.

---

Sorry Lyn.. Mali yung mga nagawa ko.

[TO BE CONTINUED]

#PaasaGangWhere stories live. Discover now