Chapter 35

133 1 11
                                    

[CHLOE]

Nababaliw na talaga siya. Pero hanggang dito nalang kasamaan niya.

Tumakbo ako ng mabilis papunta kay Lyn pero napatigil ako ng may narinig akong nabasag.

Yung vase..

"AHHH!"

Si Dianne.. Paano nangyari yun? Paano nangyari na sa loob lang ng ilang segundo hawak hawak na niya ko?

Napatingin ako sa kamay niya. Hala.. Dugo. Tapos tinututok niya sa leeg ko yung isang piraso ng nabasag na vase.

"ASHLEEN!!!" Sumigaw na ako ng buong lakas ko. Nakita ko namang lumabas na siya agad at napahawak nalang siya sa bibig niya sa sobrang gulat.

Papalapit na sana sakin si Lyn pero pinigilan siya ni Nathan. Ito na nga ba sinasabi ko. Ito na yung side ni Nathan na hindi mo hihilingin na makita.

"Makinig ka sakin Ashleen--hindi, Lyn----aaaaah!!" Napasigaw nalang ako nung idiniin ni Dianne yung bubog na hawak niya. Pero nandito na, ito na yung tamang panahon.

"MAY BALAK SILA SAYO! HINDI KA PINABAYAAN NG MGA KAIBIGAN MO! HINANAP KA NILA---AH!!" Ito na nga, mas lalo pang idiniin ni Dianne yung bubog.. Nawawalan na ko ng lakas. Nanghihina na ako. Di ko na kaya...

[ASHLEEN]

"MAY BALAK SILA SAYO! HINDI KA PINABAYAAN NG MGA KAIBIGAN MO! HINANAP KA NILA---AH!!"  Huh? Anong balak? Anong ibig sabihin?!

Ano to? Bakit nawalan ng malay si Chloe? Gusto ko siyang puntahan! Sumugod agad ako sa kung nasaan si Chloe pero hinigit ako ni Nathan at dahilan yun para mapaluhod na ako.

"NATHAN ANONG SINASABI NIYA?! ANONG NANGYAYARI?!" Naiiyak na ako! Wala na akong maintindihan! Bakit nagagawa ni Dianne yun? Bakit ako pinipigilan ni Nathan?!

Hinawakaan nya ko ng mariin. Ngumiti siya ng kakaibang ngiti. Nakakatakot.

Hindi ko ineexpect na ganito siya. Nagkamali ba ako ng mga pinagkatiwalaang tao?

Niyakap niya ko. Hindi ko gusto to! "NATHAN ANO BA?!" Nagpupumiglas ako. Anong meron? Bakit sa lahat ng tao ako? Anong kailangan nila sakin?! Gulong gulo na ako!

"AH!" Napahawak nalang ako ng pisngi ko. Sinampal niya ko.

"Nathan.. Sinampal mo ko.." naiiyak kong sabi.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tumawa siya ng malakas. Nathan hindi ikaw ito. Hindi siya ang Nathan na kilala ko! Tumingin siya sakin.

Tumayo ako agad at tumakbo. Sh*t bakit ang bilis niya? Nacorner niya ko. Paatras na ako ng paatras nawawalan na ako ng pag-asa.

Naramdaman kong wala na akong mapupuntahan. Hanggang dito nalang ba ako? Mas nawalan ako ng pag-asa nung bigla niyang takpan ng panyo yung ilong ko.
Nagpupumiglas ako pero sobra na akong nanghihina.

Naramdaman kong binuhat niya ako at nahihilo na ako.. Di ko alam kung tama pa ba mga nakikita ko sa sobrang labo ng vision ko.

"Dalhin mo sila sa warehouse."

Huh? Sino yon? Wala na ako sa katinuan...

[TO BE CONTINUED]

---

[A/N: Hello readers! Especially kay barracalian thank you sa pagvote and comment mo sa previous chapters ng #PaasaGang! Sa'yo ko dinededicate itong chapter na ito.

Salamat sa iyong patuloy na suporta sa pagbabasa. Hope you enjoy the chapter!!

Please vote and comment! Thank youuuu.]

(Promotion: Please read my other stories, Walang Iba, I will show you (WI II), and Butterfly.)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

#PaasaGangWhere stories live. Discover now