Chapter 1

643 23 0
                                    

CHAPTER 1

[LYN]

Dito nagsimula ang lahat. Naghahanda kami nila Arisa at Joanna para sa laban namin ng Soccer ngayon. Nagstay kami dito sa bahay nila Joanna simula pa kahapon para makapagpahinga.

Hinahintay nalang namin yung Bus namin. Dahil mamayang 1:00, magsisimula na laban namin. Well ngayon, kumakain na kami. Since may catering services na business ang pamilya ni Joanna, napakadaming nakahain dito samin.

"Joanna! Your bus is waiting for you!" Tawag samin ng mommy ni Joanna.

"Guys, let's go na. Para makapag-ensayo pa tayo." Sabi ko.

Tumayo na kami at kinuha na ang bag namin. Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa bus.

Tig-2 lang mga upuan kaya kami ni Joanna ang magkatabi. Tapos si Arisa nasa likod namin na may Katabing lalaki na naka-earphones, at nakasalamin kaya di namin makilala. Pero mukhang familiar naman.

"Psst. Tignan mo si Arisa, may ka-sparks na. Huhu." Sabi ni Joanna.

"Oh? Magkatabi lang sparks na agad? Nasan ang sparks nun? Nasa upuan?" Sabi ko.

"Tss. Maldita neto." Bulong niya.

"Oy galing niyo mag-usap ah. Rinig na rinig ko." Sabi ni Arisa.

"Maririnig mo talaga kami kasi hindi ka bingi at magkalapit lang tayo." Sabi ni Joanna.

"Ang sama mo naman!" Nagtangkang umiyak 'tong si Arisa. Tss iyakin talaga.

"Tsk. Parang yun lang eh! Iiyak ka na agad!" Sabi ko.

Tumingin lang siya sakin at di nagsalita. Nung nasa school na kami, siya pinakaunang bumaba at iniwan kami.

Kahit kailan talaga. Mamaya babalik din yan.

[TO BE CONTINUED]

#PaasaGangWhere stories live. Discover now