Chapter 34

72 1 3
                                    

[CHLOE]

Napapapikit nalang ako pag naaalala ko yung ginawa namin. Alam ko yung kabutihang ginawa ng family nila Master para sa akin pero sa ginagawa nila, sobra na sila. Hindi lang kaibigan ko yung niloloko ko, pati na rin yung sarili ko. Hindi ko na kayang paniwalain yung sarili ko na tama itong ginagawa namin. Maglalakas loob na akong aminin kay Lyn yung katotohanan.

Pumunta na ako sa taas para kausapin si Lyn. Mga ilang segundo muna ako nakatitig sa pinto bago kumatok. Huminga ako ng malalim at kakatok na ako.

Kakatok pa lamang ako pero naunahan na ako nung bumukas bigla yung pinto. Bumungad sakin si Lyn.

"Pwede ba tayo mag-usa---"

Naputol ang sasabihin ko nung bigla niya kong yakapin. Napansin kong lumalalim paghinga niya.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkamiss sakanya, ang bestfriend ko. Bestfriend na niloko ko.

"I'm sorry." Pumiyok na boses niya. Ito na yung sign na talagang mabigat kalooban niya.

Niyakap ko nalang siya pabalik ang pumatak na rin luha ko. Hindi ko sinasadya, hindi ko sinasadyang magkaaway kami. Hindi ko sinasadyang mapahaba yung tampuhan namin. Napapikit nalang ako ng mariin dahil kailangan kong sabihin sakanya ang tunay na mga nangyari. Kailangan niyang malaman.

"Ashleen, ayoko na maulit 'to. Ikaw yung tanging kaibigan ko na masasandalan, maiintindihan ako, na gusto ko habang buhay bestfriends tayo. Kaya please, makinig ka sa sasabihin ko."

Nagpunas muna ako ng luha at tumingin ako ng diretso sa mata niya.

"Ashleen, gusto kong malaman mo na---"

Nawala ang sasabihin ko nung may nagdoorbell sa baba. Ibig sabihin may bisita. Pero sino naman bibisita ng ganitong oras? Tumingin muna ako kay Ashleen at sumenyas na ako nalang ang bababa.

Bumaba na ako at binuksan yung pinto. Nagulat ako, si Nathan at yung maldita niyang kapatid.

Wala man lang pasabi sabi, natabig-- o kaya sinadya niya ang banggain at naging dahilan yun para ma-out of balance ako.

"Si Ashleen?" Tinuro ko nalang kung nasaan si Ashleen.

Napansin ko namang kanina pa nakatitig sakin si Dianne ng masama kaya ako na unang nagsalita.

"Hindi ko na kayang itago kay Ashleen."

Napangiwi nalang ako ng bigla niya kong sinabunutan.

Nakakatakot yung ngiti niya, parang kahit kailan pwede siyang gumawa ng kahit anong masama.

"Pwes, ikaw kayang kaya kong itago ang bangkay mo kapag nagsalita ka."

Baliw na siya.

[TO BE CONTINUED]
---

[A/N: So hello! Thank you sa mga patuloy na nagbabasa ng story na ito. Ipaalam ko na dadalasan ko mag-update para matapos na rin itong story na ito. And mas dadalas na yung serious scenes kasi malapit na ang ending. Magkakaroon po ito ng 50 chapters + epilogue.

Hello leanerese  dedicated sayo ito dahil sa pagvote and comment mo sa last chapter. Enjoy!!

Please support my other stories, Walang Iba, I will show you (WI Book II), and Butterfly.

#PaasaGangWhere stories live. Discover now