Chapter 24

160 9 4
                                    

[Arisa]

"Hindi ko na kaya.."

"Pucha naman Agnes! Sino kaya mong mahalin? Ito? Ito ba ang kaya mong mahalin?!"

"Oo."

"Sana pinatay mo nalang ako. Kasi ang sakit sakit na."

Omg, Nakakaiyak tong scene na ito. Hindi ko na mapigilan pag-iyak ko. Humahagulgol na ko, Iba pala epekto nito sakin.

Nakita kong pumasok si Joanna, Namumula yung mata? Di ko masyadong pinansin.

"Hoy Ari! Bakit ka ba umiiyak?!" Tinanong ako ni Joanna sabay alog.

"Ang sakit sakit.." Sabi ko habang umiiyak.

"Sana pinatay nyo nalang ako." Habol ko pa.

"Hoy, Tantanan mo nga ko Arisa, Anong nangyari?!" Tanong niya sakin.

"Eh paano kasi yung pinapanuod ko.. Yung For-everm-more.. Nakakaiyak!" Sabi ko, tapos binatukan ako ni Joanna. OA ko banaman kasi.

"OA mo! Wala kasing forever!" Sinabi ni Joanna. Anong nangyari dito? Naging bitter.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganyan mata mo? Mukha kang binato ng kaldero. -_____-" Sabi ko.

"Ulul!" Sabi niya tapos bigla bigla siyang umiyak. Wtf? Hindi normal sakanya ang pag-iyak.

"A-ayaw na nya saken!" Sigaw niya, wtf? sino?

"Sino?" Sabi ko.

"Si Jaycee! Bwisit sya! Dapat sa kanya binabaon sa lupa ng buhay!" Sabi niya, Niyakap ko naman siya at hinagod yung likod. Para kumalma.

"Kung ayaw na niya saken, edi mas lalong ayaw ko sa kanya! Panget sya!" Sabi niya. Patuloy ko parin syang pinakakalma.

Inihatid ko na muna siya sa kwarto niya. Manunuod muna ako ng Forevermore.

Pagsilip ko sa kwarto niya. Boom knock-out si ateng.

Bumalik na ako sa panunuod. Hala, naglasing si Fafa Xander! Si Agnes naman nagwawala na. Pinupukpok pa yung ulo.

"Bakit ang arte arte ko!"

Hala ka teh, kung di ka lang nagmatigas may forever na! Pero joke lang wala padin.

Hays. Kumuha ako ng foods sa refrigerator tapos patuloy parin sa panunuod. Feels T_T

Kain. Kain. Kain.

Tapos habang commercial nag-open ako ng Facebook account ko.

Napa-sh*t ako sa nakita ko.

Picture ni Raven at nung bago niyang Girlfriend.

Tinitigan ko lang yan tapos...

1..

2..

3...

Napakagat labi ako. Di ko parin tanggap.. Napaiyak ako.

Ayoko na!! May iba na akong gusto pero apektado parin ako.

Kung masaya na siya sa iba, titigilan ko na siya.

Oo ayan. Wise decision. Wag kang selfish.

Aanhin mo naman ang saya mo kung hindi sya masaya sa'yo?

Namumula na nga mata ko sa kakapanood ng forevermore dumagdag pa to. Tutal tapos naman na yung palabas. Nilipat ko muna sa iba't ibang channel. Nakita ko yung isang movie, Kinain nung lalake yung puso ng pinagseselosan niya. Hala o.O Aba Yandere si Koya! Creepy naman. Nagdecide akong matulog na. Pinatay ko na yung TV at umakyat sa kwarto.

Nasan ako? Nasa isang corner ako? Di pa ako nakakapunta dito ah. Teka, may narinig akong nag-uusap. Nagtago ako sa gilid. Tapos dumungaw ako.

Si Raven?!

Kasama yung kaibigan niyang si Mike.

"Bro, i think i'm falling for someone else." Sabi ni Raven.

"Anu bayan bro, Paano si Ari?" Si mike naman.

"Tch, I really never cared for her." Sabi ni Raven. Ouch. Walang hiya sya.

"Sht bro! Ang ganda ganda niya. Mapapasakin rin siya." Dagdag pa niya.

Gulat na gulat ako sa nakita ko. He never cared for me? What a douche bag.

Tapos biglang dumating yung bagong nagugustuhan niya. 

Sht oo nga, Ang ganda niya. Anong panglaban ko? Wala. Pero alam mong may ipaglalaban ka pa. Kaya ko to.

"Ang ganda ganda niya talaga no?" Sabi ko. Napatingin sila sakin.

 "Ari, Wala to." Sabi niya.

Nagulat silang lahat, tumakbo si Mike. Dalawa silang natira sa harapan ko. Tss.

"Kalimutan mo na yung mga pinangako mo. You trashed my trust." Sabi ko sabay sampal. Humarap naman ako dun sa babae.

"At ikaw, Wow! Ang ganda mo nga." Hinawakan ko siya sa leeg. Matulis pa naman kuko ko ngayon. Binaon ko sa leeg niya yon. Napasigaw siya sa sakit.

"Etong buhok mo? Wow haba ng hair!" Kumuha ako ng nakakalat na kutsilyo tapos pinutol yung buhok niya. As in yung maikli.

"Ganda ng pisngi mo ah, Ang kinis kinis." Pinagsasampal at suntok ko siya. Wala na akong awa. Galit lang nararamdaman ko ngayon.

Tapos tinulak ko sya hanggang sa tumama siya sa pader. "Ikaw dapat sa'yo pinapakain ng lason!" Kinuha ko yung unknown acid na nandito sa tabi tabi, tapos ipinaligo sa kanya yon. Dahil may mga sugat siya. Napasigaw sya sa hapdi. Tapos yung bote ng acid, Pinalo ko sa ulo nya. Nahimatay ang bruha.

"At itong salamin na to, Basag na basag na. Tulad ng puso ko. Wag na wag mong gagalawin to kung hindi masasaktan ka! Oops! Sorry, naibato ko na!" Sabi ko tapos nawalan sila ng malay.

Mga bwiset sila. Hindi ko alam mga pinagagagawa ko dahil sa kanila!

Punong puno ng dugo tong damit ko, Puti pa naman, Tsk. Sayang.

Nanlaki mata ko nung magising ako. Muntik na ko makapatay don ah. Hindi naman ako normally na ganto ang behavior. Baka may meaning? Weird.

Hinding hindi ko kayang pumatay.

A/n: Pasensya na sabaw tong chapter na ito. Nadala lang ako sa mga pinapanood ko sa TV. Tapos totoong napaginipan ni author to. HAHAHAHA opo brutal ako. XD
HAHAHAHAHA peace po. Brutal ba? Sarreh po XD

[TO BE CONTINUED]

#PaasaGangWhere stories live. Discover now