Chapter 26

126 9 2
                                    

[LIAN]

Nandito ako sa mall. Nakakabagot dun sa dorm eh. Kain, Tulog, Computer. Yun lang ginagawa ko dun eh. Buti nga yung dalawa eh may pinagkakaabalahan.

Pumunta ako dun sa department store. Habang naglalakad, may napansin ako. Isang necklace na ang design ay heart pero may letter "L" sa gitna.

Flashback

"Lian, ang ganda neto oh." Sabay turo ni Lyn dun sa necklace.

"Gusto mo ba?" Ngumiti ako sakanya. Halatang gustong gusto nya 'to.

"Oo kaso nakakahiya eh." Naglabas sya ng shy smile at napayuko.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Kahit naman na mahal yan, basta ba gusto mo, ibibigay ko sa'yo." Tapos hinalikan ko noo niya. Nakita ko namang nagblush siya ng onti.

"Di bale, sa susunod na date natin, ibibigay ko sa'yo yan." Tapos ginulo ko buhok niya. Parehas nalang kaming napangiti.

End of Flashback

"Can i help you sir?" Kinakausap na pala ako nung saleslady.

"Ah yes. Magkano 'to?" Sabay turo ko dun sa necklace.

"Sir 4,500 pesos po. Pero may exclusive offer po kami. 6,900 pesos for two po." May kamahalan nga. Buti madami akong dala ngayon na pera.

"Ah yes, kukunin ko." Tapos habang binabayaran ko napansin ko ang isang babaeng pink yung buhok. Ang astig naman. Mukhang may lahi.

Mukhang tinuturo din niya yung necklace na bibilhin ko.

"Ay miss. Sorry po nabili na po kasi ni Sir eh." Sabi nung saleslady. Napatingin naman sa'kin yung babae. Parehas nanlaki mata namin. Hindi pwede. Hindi siya si Lyn.

"Ah sige sakanya nalang. Thank you nalang." Sabi nung babae. Atsaka nagmamadaling tumakbo. Kailangan ko makasiguro. Buhay pa si Lyn. Naniniwala ako.

Hinahabol ko na siya pero tumatakbo siya. "Miss! Miss!" Lumingon siya saglit pero tumakbo lang. Tapos nagulat ako may kasama siyang lalaki.
Medyo masakit. Di pala medyo, sobrang sakit.

A/N: Pasensya na dito sa chapter, masyadong corny eh. T-T Pero sana magustuhan niyo. Mag-uupdate ako lagi! :)

[TO BE CONTINUED]

#PaasaGangWhere stories live. Discover now