CHAPTER 3-SPG

26.3K 776 52
                                    

Cover credits to Jem Mhica.

A/N:

Eto yung full version ng nasa Prologue. So, yun nga. Enjoy. Hahaha.

THE VOICE was calm yet dangerous. Lalaking-lalaki sa pandinig ni Bunny at gustuhin man niyang lingunin iyon ay hindi niya magawa. Nahihilo siya dahil sa pinagsamang nainom na alak at panlalaban sa bastos na lalaki.

Namalayan nalang niyang may humapit sa bewang niya palapit sa matigas at mainit na katawan ng isang estranghero.

At ang nakakahindik pa ay gusto niya ang pakiramdam na iyon. Gusto niyang magpakulong sa yakap ng kung sinong umagaw sa kanya mula sa bastos na lalaki. She felt so safe and secure just by the touch of her body against the warm man.

"She is my girlfriend, dude! Stop interfering!" sigaw ng bastos na lalaki.

Gusto niyang tumutol roon pero namimigat ang mga talukap ng mga mata ni Bunny at kusa iyong pumupikit.

"I'm her brother."

Nagpilit bumalik ang huwisyo ni Bunny pagkarinig sa baritonong boses. Pilit niyang inisip kung kay Tyrelle ang boses pero iba ang tunog noon sa boses ng kapatid. At oo nga na nakakaramdam siya ng safety sa bisig ng lalaki pero hindi ganoon ang pakiramdam kapag yumayakap siya sa kapatid. Hindi ito si Tyrelle.

"And I don't believe you. I know who her boyfriend is."

Maski nakapikit ay nauunawaan ni Bunny ang mga naririnig. At gusto niyang tumutol sa narinig. Hindi pagiging kapatid ang gusto niyang maging papel ng estranghero sa buhay niya. She wants him to be her knight in shining armour.

Napahagikhik si Bunny sa naiisip. Kailan pa siya naniwala na may totoong knight in shining armour?

Mga walang kwenta ang mga lalaki!

"You should be thankful I need to bring my sister home. If she could still handle herself to stand, then I will punch the remaining daylights from you, you ninnyhammer!" Ramdam niya na nag-iigting ang mga bagang ng lalaki.

But when she smelled the familiar masculine scent ay para bang noon lubos na nagtiwala ang kamalayan niya sa lalaki.

Isang sandali pa at naramdaman ni Bunny na para na siyang idinuduyan sa alapaap.

"Sir, ang bill po ng—"

"Charge it to my account, Gibs."

Lasing na ba talaga si Bunny at may pakiramdam siya na para siyang isang bida sa isang romantic movie? Na sinagip ng bidang lalaki mula sa pagkakabastos sa loob ng pub house?

But what she heard was...

"WHERE is your home?"

The baritone voice seems too good to hear. Parang inaawitan ng mapang-akit na musika si Bunny habang karga ng lalaki.

Unconciously ay ikinawit niya ang mga braso sa batok nito. At ibinaon ang mukha sa matigas at mainit na dibdib ng lalaki.

Ang bango!

He smells insanely delicious. Pinaghalong alcohol, musk at natural male scent at nakakasira iyon ng matinong pag-iisip.

Ah... she knew the guy. That familiar masculine scent and she knew it was Axyl. Ito ang isa sa mga regular costumer sa pub house na pag-aari ng pinsan ni Xavier, her co-model.

"Hmmm... Sa langit." In a deep American accent, she murmured and grinned seductively. Unconscious with her effects to the man. "Dalhin mo ako sa langit." She chuckled at muling ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Napakasarap singhutin ng lalaking-lalaking amoy ni Axyl. She can get addicted with his scent.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now