Chapter 8

13.2K 473 37
                                    

"WHAT the heck!"

Galit na naihampas ni Lori ang kamay sa ibabaw ng desk table. Naka-ready na ang bagahe niya para lumipad papunta sa kanyang bakasyon pero naisipan munang dumaan sa Wizards para i-check ang iba pang mahahalagang bagay. Baka kasi kung kailan nasa bakasyon na siya, saka siya bubulabugin ng kapatid. Pero heto nga. Ni hindi pa siya nakakapunta sa airport, may aberya na agad.

"Paano ako magbabakasyon nito? Wala kang executive assistant?"

Ang nakakainis pa, itong Kuya niya, parang hindi naman bothered. Nakataas at nakapatong pa ang mga paa sa ibabaw ng desk table habang nakahilig sa swivel chair.

"Bakit daw hindi papasok ang executive assistant mo?" tanong ni Axyl na parang hindi din naman masyadong interesado. Kapag tinopak ito, baka hindi siya pagbakasyunin.

"Ewan ko. Nag-stow away yata si Star kasama ang boyfriend. Isa din 'yong matigas ang ulo na kahit ayaw ng parents sa boyfriend, go pa din!"

Frustrated na naihilamos ni Lori ang isang kamay sa sariling mukha. Saan ba siya kukuha ng instant na assistant ng kapatid. Hindi ito makakatrabaho ng walang inuutusan. Baka pabalikin din siya ng ama kung malaman na may aberya bago siya umalis.

"Good for her. Abswelto na siya sa paglalayas kasama ng boyfriend niya. Pagbalik niya, tatanggapin ko pa din siya bilang executive assistant." Pabalewalang sabi nito at dumampot ng isang folder sa gabundok na files sa tabi nito.

"What?!" Halos hurumentadong sambit ni Lori.

Anong kalokohan ang sinasabi ni Axyl? Matapos siyang bigyan ng problema ni Star, tatanggapin pa din niya kapag bumalik iyon sa trabaho?

"Are you kidding?"

"I'm not." Binuklat-buklat ni Axyl ang mga papel na laman ng folder. Alam ni Lori na kahit akala mo, nilalaro lang ng Kuya niya ang papeles na hawak pero ang totoo, masusi na nitong pinapasadahan ng basa ang laman noon. "Tama ang ginawa niya. It's not okay to always obey kung hindi ka na masaya sa pinapagawa sa 'yo."

And she knew better what her elder brother was saying. Alam nito kung gaano siya kamasunuring anak, to the point na naisasantabi na niya ang sariling kaligayahan.

"Anyway, you should do two thing for me, little missy." Sabi nitong umangat na ang tingin sa kanya. Saka pabalewalang iniitsa ang folder sa ibabaw ng desk table. "One, get me a substitute assistant. 'Yong pang temporary lang hanggang hindi nabalik si Star-who-ever-she-was."

Lori rolled her eyes in disbelief. Minsan ay hindi niya gets ang mga trip ng kapatid. "And another one?"

Ngumisi ang kapatid. Nakita niya ding parang kumislap ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Make sure the substitute was Breonna Imperial."

Mas lalong umigkas nag kilay ni Lori nang marinig ang request ng kapatid.

"Hindi pwede si Breonna. Madami siyang project. And her team was one of the best team. Hindi ko siya pwedeng itali sa 'yo."

"Good idea!" Pumitik pa sa hangin si Axyl. "Make sure na nakatali ang schedule niya sa akin. Dapat i-instruct mo siya na hindi siya aalis sa tabi ko."

Pinanlakihan ng mga mata ni Lori ang kapatid. Humalakhak naman si Axyl. "Do that and you were free to leave. Kahit ilang buwan ka pang magbakasyon."

Hindi niya ma-gets ang kapatid. Or gets na niyang interesado si Axyl sa isa sa mga marketing manager nila pero ayaw niya lang i-acknowledge. Pwede ding ayaw niyang ibigay si Breonna sa kapatid dahil mukhang nahuhulaan na niya kung ano ang mangyayari kapag napunta si Breonna sa kuko ng malikot niyang kapatid. The woman must curse her to hell.

Kaya lang ay paano ang bakasyon niya?

Ah, hindi naman siguro mamasamain ni Breonna since two to three months lang naman siyang mawawala. Kung hindi pa din babalik si Star sa mga panahon na nasa bakasyon siya, mapipilitan na siyang mag-hire ng new executive assistant. Tsaka isa pa, hindi naman niya magiging kasalanan kung magkamabutihan ang dalawa ni Axyl at Breonna. Besides, nasa may katawan kung papadala iyon sa temptation.

But her brother was a walking temptation. Sino ang makaka-resist sa nag-uumapaw na seductive charm ng kapatid?

Bahala na nga! Kailangan niyang makapagbakasyon!

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now