Chapter 14.2

9.2K 363 19
                                    

BUONG maghapon na hindi mapakali si Bunny. Kausapin at hindi siya ni Axyl. Haharapin lang siya nito kapag may iuutos. At parang galit pa kapag haharapin siya. Wala naman siyang ginawang masama ah? Lumigaya pa nga ito sa kanya kanina. Tapos ngayon, ganoon nalang iyon? Bigla nalang siyang hindi papansinin at kakausapin. Gusto na niyang maiyak sa stress. Kung kailan handa na siyang sabihin ang lahat, sabihin dito ang lahat-lahat, saka naman ito parang ayaw nang makipag-usap. Ni ang tingnan ay parang ayaw nitong gawin. Nafu-frustrate na siya. Sa tuwing lalapit sa boss, inidi-dismiss siya. Para bang silent way of saying na ayaw siya nitong kausapin.

Nagbuga ng malalim na buntong-hininga si Bunny. Inayos na niya ang mga gamit at naghanda na sa pag-alis. Kumatok din muna siya sa opisina ng boss para magpaalam. Nakita niyang subsob si Axyl sa trabaho at ni hindi siya nilingon nang magpaalam na aalis na. Tumango lang ito nang hindi tumitingin sa kanya. Napabuntong hininga si Bunny at hinila na ulit pasara ang pintuan. Uuwi na naman siya sa tahimik at malungkot na condo unit niya. Nakakasawa na ang everyday routine. Nagbabago lang ang routine niya dahil nga nandiyan si Axyl at nanggugulo. Pero mukhang titigil na ito sa panggugulo. Hindi na nga siya pinapansin eh.

Isa na namang buntong-hininga. Naglakad-lakad siya sa maingay, polluted at magulong kalsada. Papalubog na ang araw. Labasan na din ng mga estudyante at nag-oopisina kaya siksikan na ang daan. And again, pipila na naman siya sa train station. Biglang napangiti si Bunny nang may maalala. 'Yong eksena kahapon. Ngayon lang niya napag-isip-isip na nakakaaliw pala 'yong mga ganap kahapong hinahabol siya ni Axyl sa train station. Hindi niya naappreciate ang effort nito dahil windang nga siya sa mas importanteng bagay. Ngayong binalikan niya ang eksena, gusto niyang ma-touch. Nakipagsiksikan ang boss sa masikip at magulong lugar para lang masundan siya. And the worry in his handsome face, it was priceless and really touching.

"Hay, Axyl. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa 'yo." Pabuntong hininga na dumeretso na siya sa pila.
Nag-aabang na siya ng train nang tumunog ang phone niya. May nagtext? Binuksan niya iyon. Unregistered number.

Eat first before you go home. Ni hindi ka nag-lunch kanina.

Napakunot-noo si Bunny. Sino ang nagtext? Hindi kasi naka-save ang number. Nang bigla siyang may maalalang silipin. Ang call logs. Kahapon ay tumawag din si Axyl sa kanya gamit ang unregistered number. Hindi na siya magtataka kung paano nakuha ang contact number. He is the boss of course. Nang mai-check ang number sa call log ay na-confirm niyang si Axyl ang nagtext. Himala, nag-effort pang magtext ha? Samantalang ni hindi siya pinapansin sa opisina kanina. Ibinalik niya ang cellphone sa bag na hindi nagre-reply. Saktong dumaan naman ang tren.

"DAMN it, Bunny!" gigil na sambit ni Axyl sa sarili nang makitang isinuksok na ng babae ang cellphone sa bag at wala siyang na-receive na reply. Sa tamad niyang magbutingting, hindi niya hilig ang magtext. Kaya dapat matuwa itong nag-effort pa siyang mag-type ng message para ditto. Tapos dineadma lang nito? Huh!
May palagay siya na hindi na naman maghahapunan ang babae kaya initext niya ito. Hindi din ito nag-lunch kanina at alam niyang inaabangan siya. Bakit ba parang atat na atat itong ikwento sa kanya ang past relationship nito? Masyado naman itong excited na saktan ang damdamin niya. Naku. Isinusumpa niya. Kapag nakaharap niya ang ex nito na iniiyakan nito, babasagin niya talaga ang bungo ng kung sinumang talipandas na iyon.

Nagmadali si Axyl sa pakikipagsiksikan sa mga taong papasakay na ng train nang may huminto na. Sobrang daming tao pero dapat na bunuin na niya ang lahat ng iyon. Baka maiwan siya, hindi na niya masusundan si Bunny. Gusto niyang mayamot sa sarili. Ano bang ginagawa niya? Pagkaalis na pagkaalis ni Bunny, iniwan na din niya ang mga nilalamay na mga papeles at sinundan ang dalaga. Ng palihim. Katulad kahapon ay iniwan nalang din niya ang sasakyan sa isang parking area at sinundan si Bunny papasok ng train station. Tutubusin nalang niya ulit ang sasakyan kapag ini-tow iyon.
Nakahinga ng maluwag si Axyl nang makasampa na sa bagon. Dumeretso siya sa pinakadulo ng bagon kung saan malaya niyang makikita ang dalaga. Pero halos natatakpan ito ng iba pang mga tao. Halos mangudngod ito sa nasa unahan nito dahil sa siksikan. Gusto niyang maawa kay Bunny. At sapakin naman ang mga taong nasa paligid nito.
Ahhh. Nakalimutan na niya ang tungkol sa sasakyan. Bukas nga, ipapa-process na niya ang patungko doon. Hindi na pwedeng palaging ganito na nagco-commute ito. Pagod na nga sa trabaho, pagod pa sa biyahe.

Isang mahabang biyahe ang binuno nila. Nakatutok langa ng mga mata niya sa dalaga habang ito, parang walang pakialam sa paligid. Parang nanlalambot pa at hindi maayos nag pagkakahawak sa pole. Gusto niya tuloy itong sigawan na umayos. Paano kung makabitaw ito sa paghinto ng tren?

Nang masilip niya si Bunny sa kabila na bababa na sa station na hinintuan ng tren ay bumaba na din siya. Sinusundan-sundan pa din niya si Bunny. Kahit habang naglalakad na ito papunta sa building kung saan ito nakatira, nandoon pa din siya at sinusundan itong maglakad. Malayo nga lang ang distansya para hindi nito mamalayan. Wala, he was just securing she will come home safe. Ano bang malay niya kung may tarantado sa dadaanan nito at mabastos pa? Ang igsi pa naman ng suot nito at revealing.

Not that he didn't like it. He do. Kaya lang, ang maganda at kaakit-akit na view na iyon ay dapat na sa kanyang mga mata lang nakahain. Hindi na kailangan pang makita iyon ng iba.

Matapos masigurong nakapasok na ng maayos si Bunny sa loob ng building, hindi na siya sumunod pa. Tama na muna siguro ang ganito, ngayong araw. Ang mahalaga ay naihatid niya ito ng maayos. Tiningala ni Axyl ang condo building. Eksaktong nabuhay ang ilaw sa tapat ng floor na tinutuluyan ni Bunny. Nasa itaas na ito. Hindi niya alam kung ngingiti o mabubwisit sa sarili. Sinundan na din lang niya ito, bakit hindi pa siya umakyat sa itaas? Pagkatapos ay sabay na naman silang magtatampisaw sa ligaya.

Nah! Hindi. Baka hindi ganoon ang mangyari. Mas mabuting hindi na nga muna sila magkaharap ng maayos ni Bunny. Hindi siya handa sa kung ano ang maririnig mula rito. Paano kung ipilit nito na makapag-open up sa past relationship nito? Hindi ba at atat na atat na nga itong magkwento?

Huh! Nakakabwisit eh. Lakas ding mambwisit ni Bunny.
Tumalikod na siya at bumalik sa pinanggalingan. Pero bago iyon ay nagtext ulit siya kay Bunny.

Kumain ka muna bago magpahinga.

Mahaba na ang nalalakad niya, wala pa ding reply. Gusto niyang ibato ang cellphone sa labis na pagkayamot.

"Bwisit ah! Kung ayaw mo, edi 'wag!" Gigil na singhal ni Axyl sa sariling cellphone.

Kukuha na sana siya ng taxi na maghahatid sa kanya pauwi, nang mahagip ng mga paningin ang isang restaurant. Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. At nagsimulang maglakad papunta doon.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now