Chapter 19

12.2K 415 26
                                    

NAALIPUNGATAN si Breonna at nagising nang maramdamang may mabigat na nakadagan sa bandang tiyan niya. Ang malaking braso pala ni Axyl ang nakahapit sa baywang niya. Nakadapa ito sa kanyang tabi at nakasubsob ang mukha sa unan. Napangiti siya sa kagwapuhang bumati sa kanyang paggising. Kung ganito ba naman palagi ang makikita niya sa pagmulat ng mata, parang ayaw nalang niyang bumangon pa. Pero siyempre, hindi naman pwede iyon. Hindi naman talaga ang nangyaring maiinit na bakbakan ang ipinunta niya roon. At dahil tulog na ang lalaki, pwede na niyang gawin ang pakay.

Nagtangka siyang kumilos para bumaba ng kama at maghanap ng maisusuot. Pero gumalaw si Axyl at possessive na humapit ng maigting ang braso sa kanyang baywang. Para bang nararamdaman nito maski sa pagtulog ang pagtatangka niyang kumawala. Napailing at napangiti nalang siya nang umungol pa ito at tinawag ang kanyang pangalan.

Naiwan sa Bachelor Hub ang mga gamit niya. Babalik na din sila siguro doon ngayong umaga. Sa reyalisasyong mag-uumaga na ay bigla siyang naalarama. Babalik sila sa kabilang isla na hindi man lang nagagawa ang kanyang kailangan. Marahan at maingat na inalis ni Breonna ang braso ni Axyl na nakahapit sa maliit niyang baywang saka marahan din ang paglalakad papunta sa wardrobe. Puro bathrobe at towel ang laman ng nabuksan niya. Kumuha nalang siya at pabastang isinuot. Basta nalang din niya itinali ang sash saka dumeretso sa veranda ng silid. Sumisilip pa ang isang dibdib niya pero hindi na niya iyon pinansin. Gusto niyang makita nag lugar at kung may mga tao ba sa paligid. Baka may mapagtanungan pa siya. Tulog pa naman si Axyl at malamang na tanghaliin ito ng gising.

Mula sa malayo, may nakikita si Breonna na nagkukumpulang mga tao. Sa dalampasigan iyon at malayo man sa lugar nila, kaya namang takbuhin. Maingat pero mabilis na bumalik siya sa loob ng silid. Maingat din ang pagbubukas niya ng iba pang wardrobe at naghanap ng kahit anong pwedeng isuot. Tamang-tama na sa pangalawang bukas niya, puro dress ng babae sa iba't-ibang size na hindi naman magkakalayo ang nandoon. Mukhang bago pa dahil may mga tag pa. Sa ibaba ay mga naka-packaging na underwear. Kumuha siya ng isa para sa size niya. Isang red half-thigh length silk halter low back dress ang kinuha niya. Malamig pa dahil alas tres palang ng madaling araw ayon sa wallclock sa isang bahagi ng silid. Pero wala naman siyang choice kundi isuot iyon. Lahat ng dress na nasa wardrobe ay mga walang sleeves.

Mabilisan pero walang kaingay-ingay na nagbihis siya sa mismong tapat na din ng closet. Halos atakehin siya sa puso sa matinding kaba kapag kumikilos ang natutulog na si Axyl. Hindi ito pwedeng magising. Baka hindi na niya mapuntahan ang anak. Balak na naman sana niyang sabihin kay Axyl ang patungkol kay Sehun pero palagi siyang napapagitnaan ng kung anu-ano. Most probably ng mga kalandian at kamunduhan.

Ayaw din naman niyang biglain ang anak kaya pupuntahan muna niya sa bahay at dadalhin doon sa white house. At bahala nang si Axyl ang magulat. Wala na naman sigurong makakahadlang sa plano niyang pagtatapat ng lahat kung dala na niya si Sehun mismo sa harapan ni Axyl. Yes, nagdesisyon na siya. Totoo na iyon at final na talaga. Sasabihin na niya. Kailangan na niyang sabihin. Pero bago ang lahat, gusto niyang kaharap na nito ang bata.

Sandali pa niyang binigyan ng sulyap si Axyl. Naghanap siya ng papel at ballpen na swerteng meron sa side drawer saka nag-iwan nang note na kung sakaling magising ito na wala siya ay hindi siya nito hanapin at hihintayin nalang.

Mas madali ang pagbaba ng bundok kaysa ang pag-akyat. Halos takbuhin niya ang concrete stairs na dinaanan nila kagabi ni Axyl. Ilang minuto lang at tumatakbo na siya sa dalampasigan. Deretso sa nagkukumpulang mga tao na bumibili pala ng mga bagong huling isda. Mga natives na ang mga iyon ng isla, ang iba ay tauhan daw sa rancho. Mababait din at matulungin. Isang ale ang tumulong sa kanya at ipinahatid sa anak nitong nagta-tricycle.

Abot-abot ang pasasalamat niya nang maihatid siya sa community sa west side ng isla. Patakbo din niyang inakyat ang apartment at humingi sa kapatid na si Tyrelle ng pampamasahe sa tricycle. Dinoble na niya ang bayad sa sobrang pasalamat at relief.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now