Chapter 22.2

11.9K 395 21
                                    

KINUKUMUTAN ni Breonna ang natutulog nang anak nang damputin ni Axyl ang isang stuff toy. Sa kanya iyon noong bata pa at nasa orphanage. Iningatan niya iyon, dahil... well, ang bagay na iyon lang ang nagpapaalala sa kanya na hindi siya nag-iisa. Na minsang may isang nilalang na nagkaroon ng pakialam sa kanya. She smiled with the thought.

"Parang kilala ko ang mickey mouse na ito." Ani Axyl na binutingting ang stuff toy.

"Huh?"

At iniharap ulit ni Axyl ang stufftoy sa kanya. Sa ilalim ng stuff toy ay may initials na letter L at A. Dati pa naman niya iyong nakikita. Hindi niya lang pinapansin.

"That's mine."

"Yours?"

"Ibinigay iyan sa akin no'ng anak ng sponsor ng orphanage na pinanggalingan ko. Hindi ko alam ang pangalan. Basta may bitbit siya na kahon noon at nabunggo ko habang tumatakbo-"

"Right! You were that kid. That fierce little girl." Natawa nalang si Axyl. "Sa 'yo ko pala ito naiabot." Umiling iling pa si Axyl. Si Breonna naman ay parang gustong mawindang sa mga naririnig.

It must be fate that she bumped in him.

"Pasalubong ko sana ito kay Lori kaya pinapersonalized ko. Her real name is Loridee Anne... Nah." Napailing ito. "When I saw a little girl that was looking so fierce yet... so adorable. And so charming. Sa sobrang amusement ko, ipinilit ko ang stufftoy na ito sa kanya." Bumaling si Axyl sa kanya. "I couldn't believe it was you. God, Breonna!"

She broke to an awe. Ni hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Inabot nalang niya ang stufftoy nang ibalik na iyon ni Axyl. Muli niya itong hinarap matapos masiguradong komportable na ang anak na napagod sa kakalaro kasama ng ama. Sandali lang ang introduction na ginawa niya kina Axyl at Tyrelle at mukhang madali namang nagkasundo ang dalawa.

"Bakit nandito ka?" Parang hindi pa din siya makapaniwala na nandito si Axyl. Napakatagal niyang iniyakan ang isiping hinding-hindi na niya ito muling makikita at makakasama.

"What kind of question is that? Ayaw mo bang nandito ako?" Parang may halong sama ng loob na sambit nito.

"No..." Bigla ay tutol ni Breonna. "I just can't believe that you were here... that you were real. Akala ko hindi na kita..." Natigil siya sa pagsasalita. Her voice broke at kung itutuloy pa niya ang pagsasalita, baka tuluyan siyang maiyak.

Kinabig siyang bigla ni Axyl at niyakap. "Believe it now." Ngumisi ito nang pakawalan siya. He held her right hand and put it on her crotch. Napaigtad siya at napasinghap. Natampal niya ang dibdib nito. Humalakhak naman si Axyl. Bigla niyang tinapalan nag bibig nito.

"Sssshhh..." saway pa niya.
Tumahimik si Axyl pero ang kasunod noon ay sinimulan na nitong painitin ang katawan niya. He kissed her lips, tongued her neck down the hallow of her throat. She swallowed hard.

"Axyl..." She moaned.

"Hmm." Sagot nitong hindi tumitigil sa ginagawa. Pigil niya ang sarili na makagawa pa ng ingay. "Nasa room tayo ni Sehun."

"Oo nga pala." Biglang tumigil si Axyl sa ginagawang pagpapainit sa kanya. At parang gusto niyang sampalin ang sarili. Hindi niya ito dapat na pinatigil! Pero bago pa nga siya magalit sa sarili ay hinila na siya palabas ni Axyl. "Saan ang room mo?"
Agad na itinuro niya ang kasunod na kwarto. Mabilis na nahila siya roon ni Axyl papasok. Kasasarado palang ng pinto nang magsimula na naman itong sigurin siya ng halik. Sa leeg, sa puno ng tainga. Sa mga labi, pababa sa kanyang leeg. Hanggang sa ibabaw ng kanyang dibdib.

"Wait... wait." Pigil niya muli.

"Ano na naman?" Parang nabibiting ungol nito. "Can we stop talking and pleasure each other?"

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now