Chapter 6.1

17K 583 40
                                    

Cover credits to Marry Carry.

"BALIW KA talaga, tranché!"

Naririnig ni Bunny ang masayang pag-uusap ng kanyang boss at ng kaibigan nito na kakapasok palang sa loob ng opisina. Nakaawang kasi ng bahagya ang pinto. Hindi yata naisarado ng maayos o talagang wala lang pakialam ang huling pumasok o lumabas.

"So, paano nga? Hindi ka sasama?"

"Hmm. Madami kasi akong trabaho ngayon. Hindi ko alam kung kelan babalik si Kuya."

"Ewan ko nalang kay Tito Avio ha? Sa dami ng pera niyo, pwede ka niyang ibili ng reliever sa trabaho. Pero hindi niya ginagawa. If I know, ayaw ka lang talaga niyang pagbakasyunin."

Nagbuntong-hininga ang kanilang boss. "Alam mo naman si Papa. Hindi 'yon basta magtitiwala sa kung sino lang kung patungkol sa trabaho ang usapan. Si Kuya naman kasi, kelan ba niya balak bumalik dito?"

Hindi malaman ni Bunny kung kakatok na ba o hahayaan nalang munang mag-usap ang dalawa. Nasa advantage niya ang naririnig. Hindi naman siya tsismosa, pero maigi na din na alam niya, ahead of time na magkakaroon pala sila ng bagong boss.

Kasalukuyang nagtatrabaho si Bunny sa Wizard, ang pinakamalaking marketing company sa bansa, bilang isa sa mga Marketing Manager. Ang mga business ng pamilya Bachelor ay ang kompanya na ang humahawak ng marketing strategies. Plus, ang pinakamalalaking kompanya sa bansa ay sa Wizard din nagtitiwala. Kaya nga laging tambak ang kanilang mga kliyente. The Wizard produced the most talented and extra-ordinary professionals.

And because she was always good in everything she did, madalas na sa kanya ibigay ng boss ang malalaking projects. Ngayon nga, nasisigurado niyang may ipapa-handle na naman sa kanya si Ms. Lori dahil ipinatawag siya nito sa opisina ng dalaga. Isang taon palang si Bunny sa kompanya at ganoon na kalaki ang tiwala ng boss niya sa kanya. Kaya hindi na kataka-taka kung may mga marketing managers na galit na galit sa kanya dahil sa inggit. Kung may ilang beses na ngang binalak na isabotahe ang trabaho ng kanyang team. Maigi nalang at nareremedyuhan niya iyon.
Sa wakas ay nagdesisyon na si Bunny na kumatok. Agad naman siyang pinapasok ng boss.

"Pinapatawag niyo daw po ako, Ms. Lori?"

Mas matanda siya ng dalawang taon sa boss pero palagay ni Bunny ay pareho sila ng wavelengths.

"Hi, Bunny. You look so stunning pa din, huh? And hey!"

Tumayo si Chyiarah, ang bisita ng boss at sa pagkakaalam niya ay bestfriend since time eternity. Nang lumapit ito sa kanya ay nagtaka pa siya. At biglang kinabahan si Bunny nang tumingkayad ito sa kanyang tabi na parang may tinitignan sa kanyang tuktok.

"Goodness! Is this real? Blonde ang real color ng hair mo?" Tila gulat na gulat ang dalaga.

Napahawak tuloy siya sa may tuktok. Pinakulayan niya ang buhok ng itim para maitago na din ang sarili dahil sa karaniwang sitwasyon nila ng kapatid na si Tyrelle. Nang sumama na siya sa kapatid ay agad nitong iniayos ang kanyang mga papeles para maging legal ang pagnanatili niya sa bansa. Kung paano nito nagawa ay hindi niya alam. Dalawang buwan na siyang nasa poder ng kapatid nang magsunod-sunod ang problema nila. May nakagalit ang kapatid sa Torrent, ang kanang kamay ng utak ng sindikato. May pumalpak kasi sa team ni Tyrelle. At gusto nang ipaligpit ang kanyang kapatid. May iba na ding napili na maging leader ng grupong nag-ooperate sa bansa. At ang isa pa ay nalaman niyang buntis siya. Nagbunga ang isang gabing nakagawa siya ng hindi dapat. Itataboy na sana siya ng kapatid pabalik sa New York at mag-isa nalang itong makikipaghabulan kay kamatayan pero ipinaalam niya rito ang kanyang kondisyon.

Ganoon nalang ang galit ni Tyrelle sa kanya. Hindi na nga maganda ang sitwasyon nila ay magdadamay pa siya ng isang inosente. At wala siyang nagawa kundi sabihin dito ang buong pangyayari para maintindihan siya ng kapatid.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now