Chapter 22.1

11.5K 562 41
                                    

“I’M SORRY, Sir. Sumusunod lang ako sa—”

Hindi natapos ni Maxwell ang sasabihin at inumbagan na niya ito ng napakalakas na suntok. Si Maxwell ang isa sa mga butler ng kanyang ama. Halos dalawang buwan na ding comatose ang kanyang ama at ngayon lang nito naisipang “kumanta”?

Yes, finally ay nagsalita na din ito. Ito ang inuutusan ng kanyang ama na gawing miserable ang buhay niya sa buong taon na nagdaan. Wala nang ginawa si Avio kundi ipagtulakan siya sa anak ng business colleague nito na si Natalie. At kung abala ito sa pagsusulsol sa kanya na mag-asawa na, abala naman siya sa lalong pagsira ng buhay niya. Wala na siyang ginawa kundi ang mag-bar hopping. Magpakalunod sa alak at mambabae.
Akala niya, matatapos ang sakit na ibinigay ni Breonna sa kanya kung gagawin niya ang lahat ng pagwawalwal na iyon. Pero wala namang nangyayari. She still got a big space inside his heart. An aching space.

Hindi siya natapos sa pagpapahanap na naman kay Breonna at sa kung sinong asawa nito. Yes, it must be useless to know. Mukhang masaya na ito sa piling ng mag-ama nito. Nakita niya sa pictures ang pagod sa mukha ng babae pero nandoon ang parang pagiging at peace. Yet, gusto pa din niyang malaman kung anong nangyari rito. Had she been well? Wala na bang panganib ang buhay nito?

At may isa pa nga siyang nalaman matapos ang imbestigasyon sa parking area ng The Wizard building. Miyembro ng sindikato ang isa sa mga lalaking nagbalak dukutin si Breonna pero napatay din ng mga kasama nito. Isang world-wide syndicate iyon na napilayan na ng Interpol. Kung sino ang nag-tip at natimbog ang pinuno ng grupo, hindi na niya inalam. Mukhang malayo na din kasi sa kung nasaan si Breonna ang kaso ng sindikato na iyon, kaya inilayo na din niya ang sarili roon. Ang gusto niya lang ay malaman kung nasaan na si Breonna pero walang nangyari. Talagang napakagaling magtago nito. Paano nga niyang mahahanap ang taong sadyang ayaw magpakita?

Until he heard the news of his life. Isa pa ding matinik na kalaban ang kanyang ama. Ito pala ang nagtatago kay Breonna at sa batang inakala niyang anak ng iba pero anak naman pala niya! How could a father hurt his son like this? Kita naman nito kung paanong halos masira na ang bait niya kakahanap kay Breonna pero nagsawalang kibo ito.

“Saan mo itinago ang mag-ina ko?”

Parang gusto niyang mag-transform sa pagiging halimaw sa mga sandaling iyon dahil sa tindi ng galit niya. Kita niyang nahintakutan si Maxwell. Kung hindi pa ito magsasalita ay baka mabasag niya ang mukha nito sa sobrang panggigil at galit.

“S-Sa Texas, Sir.” At sinabi nito ang ekasktong address.

Nanginginig ang mga kamay na nabitiwan niya si Maxwell. Gusto niyang matulala at manlambot. God! He’d always been in Texas. How come, hindi man lang niya nakita ang mag-ina niya roon.

Ah. They’re in a farm. At madalas na sa mga bar and hotels naman siya naglalagi. Paano ngang makikita niya ang mag-ina? Pero bakit ang mga detectives na ini-hire niya, wala ding nagawa?

Well, hindi na siya magugulat kung malalaman na maski mga detectives niya, hinaharang din ng ama. His father was such a destroyer!

Inayos ni Axyl ang sarili at hinarap si Maxwell na dumudugo ang gilid ng labi. Iniabot niya ang kamay rito sa pagtataka nito. Pero kinuha din iyon at tumayo. Tinapik pa niya ito sa braso.

“Thanks, Maxwell.” Aniya.

Yes, he was still thankful with the man.  Sa dalawang buwang pagiging coma ng ama at taningan ng mga doctor nito ang buhay ng ginoo, siguro ay tinubuan ng konsensiya si Maxwell at nagdesisyon nang putulin ang paghihirap niya. Mabuti nalang. Nagpapasalamat pa din siya. Ngayon, mapupuntahan na niya ang kanyang mag-ina.

“IT’S RAINING, Mommy! Dadating na ang Daddy ko! Whooooah!”

Tuwang-tuwang nagtatakbo si Sehun papalabas ng farm house. Hindi din nauto ni Tyrelle ang bata. At kagaya ng ama nito, saksakan din ng tigas ng ulo ang anak niya. Kapag may ginusto ito, hindi pwedeng hindi nito makukuha.

Manang-mana…

Bago pa maabutan ni Breonna ang anak ay basa na ang bata at nagtatatalon sa ilalim ng ulan habang sumisigaw at humahalakhak.

“Daddy is coming! Daddy is coming! Yey!”

Gusto na naman niyang umiyak. Sa awa sa anak. He was really waiting for his Dad. At hindi niya kayang putulin nag kaligayahang iyon ni Sehun. Kaya lang ay paano din niya ifu-fulfill? He’ll end up dismayed. Naitakip ni Breonna ang isang kamay sa bibig habang tahimik na umiiyak. Pinipigilan niyang mauwi iyon sa hagulhol nang…

“Yeah… I’m coming. In fact I’m already here, son.”

Napasinghap si Breonna. Kusa ring huminto ang mga luha niya at automatic na naghanap ang mga mata. Gusto niyang mapanganga sa matinding pagkabigla.

No… it isn’t real, right? Nagha-hallucinate lang siya at kung anu-ano na ang naririnig at nakikita…
Pero maski ang anak ay natulala nalang din sa bagong dating. Tumalungko iyon sa harapan ni Sehun habang sige sa pagbuhos ang ulan.

“You look so much like me.” Namamanghang sabi ng bata.

“Of course. I’m your Dad. What do you expect?” Axyl smiled and wiped away those raindrops in Sehun’s face. “What’s your name, little kid?”

“Sehun.”

“Sehun?”

Gustong mapahikbi ni Breonna sa paraan ng pag-uusap ng mag-ama. How did he knew? Sinabi na ba ni Avio Bachelor ang lahat? Pero himala iyon ng mga himala kung tama nga. Paano at bakit naman iyon sasabihin ng matanda eh ayaw nga noon sa kanya?

“Yes. I’m Sehun.”

“I thought you are, Tyrelle.”

“Huh?”

Maski siya ay naguluhan sa sinabi ni Axyl. And how come he knew Tyrelle, already?

“Tyrelle is my uncle.”

“Aw!” Biglang natawa si Axyl.

“You’re laughing like crazy.” Nakakalokong sambit ni Sehun at natawa pa sa ama.

“Come here, kiddo.” Humakbang naman nga palapit si Sehun. Napailing-iling pa si Axyl. “I thought you are a guy your Mom loves so much.”

“My Mom loves me so much.”

“Yeah. I knew it. She keeps crying while calling your name even on her sleep. She must really loves you. So very much. And I knew now why.”

Napasinghap si Breonna. Did she really heard all of it?

“You sound jealous.”

Napangiti na naman si Axyl. Saka bumaling sa kanya. “I am.” Anito na walang kakurap-kurap habang naglalandas ang tubig ulan sa mukha. “I’m green jealous…” Humarap ulit ito sa anak. “…until I saw you now.”

At walang babalang kinabig ang anak palapit sa katawan nito. Niyakap nito ng ubod higpit ang bata. “God… I have a son. I really have a son…” Halos pabulong nalang iyon. Namumula ang mga mata ni Axyl na tila nagpipigil lang umiyak.

He was such a dumb to keep himself from crying. Para namang makakabawas iyon sa pagkalalaki at pagkatao nito lalo pa at nasa ilalim ng ulan ang mga ito? Sino lang ba ang makakakita ng mga luha nito?

Nang pakawalan na ni Axyl ang anak ay nagtatakbo iyon palapit sa kanya at hinila siya sa nakatalungko pa ding lalaki. Titig na titig ito sa kanya habang siya naman ay parang wala sa sariling nagpaakay sa anak. Nawalan na siya ng pakialam na mababasa ng ulan. She couldn’t hold herself. She ended up crying and lauging. Like a lunatic.

Kung may sobrang nag-enjoy sa ulan sa mga sandaling iyon, alam niyang walang iba kundi si Sehun. Hindi daw kompleto ang kabataan kung hindi nakapaglaro sa ulan. And now, they’re enjoying it altogether.

Parang hindi pa din makapaniwala si Breonna habang hinahaplos ang gwapong mukha ni Axyl na basa ng tubig ulan. He was smiling at her so brightly. So passionately, that the passion mirrored in his eyes turns to intense desire. She can feel it by just looking straight in his eyes. God! She missed him. She missed the feeling of his warm hand touching her skin. She missed all of him.

“Axyl…” she whispered while touching his handsome face.
In a swift moment, her lips was with his, kissing her savagely. Drinking in her na para bang matagal na panahon itong nauhaw. And now was the time para pawiin ang matinding uhaw at pagkasabik nila sa isa’t-isa. Nawalan na sila ng pakialam sa mundo hanggang sa marinig na nagsisisigaw si Sehun.

“Uncle! My Daddy is here! And she’s kissing, Mom!”

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now