Chapter 8.2

12.6K 474 15
                                    

KUNG minsan ay iba din man trip ang tadhana. Minsan, magkakampi kayo, minsan mortal enemy kayo. But this time, mukhang kakampi ni Bunny ang tadhana. Hindi na magiging mahirap para sa kanya kung paano lalapitan si Axyl, ang problema nalang niya ay mag-imbento ng sariling guide ng Seducing 101.

Naglalakad lang siya papunta sa conference room para sa meeting ng kanyang team nang humahangos na lumapit sa kanya ang janitor. May pagmamadali pa sa boses. Pinapatawag daw siya ng boss. Nagkabuhol-buhol na ang paghinga ni Bunny habang naglalakad papunta sa office ng boss. Paano, biglang rumagasa sa isip niya ang umaatikabong sandali nila sa lounge. Kahapon pa iyon, but hearing the boss wants to see her, pakiramdam niya ay ilang segundo lang ang dumaan magmula nang mangyari ang nagliliyab na sandaling iyon. Dahil ngayon, para na naman siyang nililingkis ng apoy habang papalapit sa opisina.

Only to find out na ang lady boss pala ang nagpapatawag at hindi ang new boss. Akala ba niya ay nakaalis na ito para sa bakasyon nito? Bakit nandito pa ang babae? Pero hindi na nagtagal ang katanungang iyon. Agad na niyang naintindihan nang walang sayanging oras si Ms. Lori at sinabi ang kailangan sa kanya.

"I need you to be his temporary, executive assistant. Nag-stow away si Star."

Medyo eksaherada at parang gustong makiusap ng tinig ni Ms. Lori. Pero ang salitang binitawan ay para namang nagco-command at hindi nakikiusap. Distress na din siguro dahil mapupurnada ang flight. And she's not damn idiot to decline the request. Para siyang inuutusan ni Lori ng gustong-gusto niyang gawin. But wait... hindi siya pwedeng maging makasarili. Mahalaga din sa kanya ang mga katrabaho.

"But Ms. Lori, paano po ang team ko? Walang magle-lead sa kanila." Gusto pang sampalin ni Bunny ang sarili sa naging tanong.

Paano nga kung nawala lang sa isip ni Lori na mas kailangan siya ng team. Baka makakuha pa ng ibang papalit sa posisyon ni Star. She couldn't trade that off...

"Magpatawag ka nalang ng meeting once a week. Alam kong kaya mong i-time manage ang mga bagay-bagay kaya nga mas okay sa akin na ikaw ang napili ni Kuya na pumalit kay Star."

Biglang lumipad ang mga mata ni Bunny sa prenteng lalaki sa likod ng mahogany table. Ngumisi at kumindat lang ito sa kanya na parang nagpabaliw sa kanyang puso. Kumakalabog kasi iyon sa loob ng kanyang dibdib. At nandoon na naman ang mainit na pakiramdam na biglang gumapang sa kanyang kabuuan habang nakatitig sa gwapong nilalang.

"Dalawang buwan lang naman akong mawawala eh." Sabi ulit ni Lori. "Sige na, Breonna, please? Male-late na ako sa flight ko. I need your answer now."

Nang bumalik ang mga mata ni Bunny sa former lady boss, alam niyang hindi ito tatanggap ng negative answer mula sa kanya. Muli siyang napalingon sa gawi ng malapad pa din ang ngiti na lalaki. His handsomeness was dangerous and lethal. Yet, she wanted to be with him. She needs to be with him. Kailangan niya ding maging makasarili paminsan-minsan. Lalo na sa laro ng buhay niya ngayon.

At isa pa, how could she say 'no' if the handsome beast was staring intently and lustfully to her? Parang binubuhusan nito ng gasoline ang mumunting apoy na naglalakbay sa katauhan niya. She was in flame right now while answering his intense gaze.

Humugot siya ng malalim na hininga.

"Okay, Ms. Lori." Sa wakas ay sagot niya at inilayo ang mga mata kay Axyl. Hindi na siya nakakasigurado kung mapapanghawakan pa ang sarili habang nilalamon ng apoy ng pagnanasa. Nakakatakot na baka makita nalang niya ang sarili sa kandungan ng gwapong boss at nililingkis ito ng halik habang pinararaanan ng sariling mga palad ang matigas nitong dibdib.

Goodness, gracious! Kung anu-anong iniisip niya!

"Okay, you mean, payag ka na?" Parang naniniguradong tanong pa ng babae.

Nang tumango si Bunny ay tuluyang lumiwanag ang mukha ni Lori. Nahablot pa siya nito at niyakap ng pagkahigpit-higpit. Saka masayang-masaya na nag-iwan ng mga bilin sa kapatid. Lumayas itong parang walang iniwang mainit na tensyon sa pagitan nila ng kapatid nito.
Magpapaalam na sana siya sa boss nang unahan siya nitong magsalita.

"You should start being my assistant today."

Napatanga siya rito. "Pero Sir, may meeting ako ngayon sa team ko." Gusto muna sana niyang asikasuhin ang maiiwang trabaho sa team niya. Ayaw naman niyang iwan sa ere ang mga team niya.

"Or else, I'll file an insubordination case against you." anitong parang hindi narinig ang sinabi niya.

What the fvck! Kung tutuusin, ang magkapatid ang humingi ng pabor sa kanya. Tapos ngayon, siya ang gigipitin sa oras?

Pero nakasilip siya ng pag-asa nang makitang napunit ang pilyong ngiti sa mga labi ng lalaki. At tama ba 'yong nakikita niyang apoy sa mga mata nito? Katulad ba niya, paulit-ulit din sa isip nito ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila sa lounge?

"Well, that was of course after you settled all of your appointments." Tumayo ito at habang naglalakad palapit sa kanya, titig na titig sa kanya. Para siyang sinisibat ng kung anu-anong pakiramdam. Hindi na niya alam kung paano papangalanan. "Since Lori said you were great in everything, then let's try your capabilities."

Ngayon mas hindi na alam ni Bunny kung sino sa magkapatid ang pumili sa kanya para sa posisyon. Sino ang papasalamatan niyang mas nagiging madali sa kanya ang makalapit sa target? But then, kailangan pa ba iyon? She should and must straight her head first. Dahil kapag ganitong mas malapit na si Axyl sa kanya, nawawala na sa tamang daloy ang isip niya at nilulunod nalang ng mainit na pagnanasa.

With his looks... standing tall in more than six-feet, having his broad shoulders, strong muscles and impossible wide chest, his perfect face with arrogant jawline, completely with his early growth whiskers that made him more and absolutely manly, who wouldn't went crazy and drool over him? Parang habang patagal ng patagal ay pagwapo ng pagwapo ito sa mga paningin niya. Patindi din ng patindi ang wild need niyang mahawakan at malapitan ito, 'yong mas malapit, malapit na malapit. He was oozing with so much sex appeal!

What? Wait...

Who should be seduced by whom? Siya ang dapat na nangse-seduce pero parang mas siya ang naaakit sa lalaki. Lalo na nang lumapit ang bibig nito sa tainga niya. Nagsitayuan yata ang lahat ng balahibo sa niya nang tuluyang humaplos ang mainit nitong hininga sa puno ng kanyang tainga. Pakiramdam pa nga niya ay lumapat ang mga labi nito doon at pinaliguan siya ng sandamakmak na pangangailangang mahawakan at mahalikan ito.

"I'm sorry. I've got too excited to be with you."

Gusto niyang maging bato sa mga sandaling iyon. Hindi na kasi tama ang ibinibigay na pakiramdam ng mainit na hininga ni Axyl sa kanya. At ang impact at sense ng mga salita nito. Her feelings go haywire while hearing his voice and feeling his presence so near to hers. She should brace and remind herself that what she was planning to do was for their safety and not for her own pleasure and personal need.
Hindi siya dapat nagpapatangay sa erotikang pakiramdam na hatid ng mga titig at presensiya ni Axyl. She should be the one to seduce and not being seduced by the walking temptation.
She gathered herself and picked it all together. Nakuha pa niyang tumikhim para kahit paano ay ma-ease ang nagkakarambolang pakiramdam.

"I need to go, Sir. Para maasikaso ko na ang mga dapat asikasuhin."

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Axyl at dumistansya sa kanya. Hindi iyon nakatulong. Kung kanina ay nag-iinit ang pakiramdam ni Bunny, ngayon naman ay gusto niyang manlambot sa mga ngiting iyon.

'Why so ruthless, Mr. Bachelor? Wala ka pang itinatanong, pero pakiramdam ko, yes na agad ang sagot ko. Wala ka pang iniuutos, pero gusto ko nang sundin kung anuman iyon.'

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now