Chapter 11

10.6K 358 2
                                    


NAKAIGKAS ang kilay ni Bunny habang pinapanood ang lalaking walang pakialam ding pinapanood ang kabuuan ng condo unit na inuupahan at tinutuluyan niya. Para itong hari na inimbitahan ang sarili na pumasok sa loob. Kakasalpak palang niya ng susi sa keyhole, ito na ang nagbukas ng pinto at nangunguna pang pumasok, saka siya pinatuloy.

Ano ba talagang trip nito sa buhay at bumubuntot sa kanya? Sa pagkakaalala niya, gabundok ang mga trabaho nito sa office table kaninang iwan niya. Tapos ngayon, sinusundan-sundan siya maging hanggang makauwi.

"Tapos ka na ba sa panonood sa bahay ko? Pwede ka nang umuwi kung tapos ka na."

Gusto niyang mapagod sa naging takbo ng maghapon niya. Napakabilis ng lahat. Isang buong araw lang ang lumipas pero parang ang dami-daming nangyari. Para siyang nahahapo na sumalampak sa couch. Maski paano ay relieve na siya na malamang maayos ang anak. Pero siguradong ilang araw pa din siyang mag-iisip. O baka hanggang matapos nag buwan at makauwi sa Palawan.

Teka...

Bigla siyang naalarma. Kung ganito ng ganito na palaging nakabuntot sa kanya ang boss, paano siya uuwi?

"Coffee?"

"Huh?" Napalingon si Bunny sa nagsalitang si Axyl. Hindi niya gets. Humihingi ba ito ng kape?

Argh! Tapos na ang trabaho niya. Bukas nalang ulit. Bukas nalang din niya ipagpapatuloy ang misyon niyang akitin ito. For now, gusto muna niyang mamahinga. Naipikit niya ang mga mata at hinilot-hilot ang sintido.

"Wala akong brewed coffee dito. Magpunta ka nalang sa coffee shop." Naiinis na sambit niya.

Pero wala siyang narinig na sagot. Sa halip, mga kalansing at ingay sa kitchen niya ang naririnig ni Bunny. Nang imulat naman ang mga mata, nakita na niya si Axyl sa likod ng counter top na kumikilos na parang sarili ang lugar. Naghalungkat na pala ito ng maititimpla. Talagang feel at home at suit your self ang peg. Ni hindi man lang siya hinintay na sabihin iyon bago gawin ng magaling na lalaki.

But hey... come to think of it. The man was insanely gorgeous while busy doing his thing inside her kitchen. Mula sa kinauupuang couch, parang nanonood ng women's show si Bunny. Bawat galaw ni Axyl, hindi niya nilulubayan ng tingin. Mula sa paggalaw ng mga braso nito, sa malapad na likod, sa mga balikat na kay lalapad. Ang batok nitong kay sarap panggigilan. Hay... mas nakakarelax itong panoodin kaysa hilutin ang sariling sintido.

Nakalilis ang puting long sleeve polo ni Axyl hanggang siko habang walang pakialam na kumikilos sa maliit niyang kitchen. Ang coat nito, hindi niya alam kung nasaan. Wala na naman itong suot na coat nang pumasok ng train station. Hindi niya din alam kung ano nang nangyari sa sasakyan nitong basta na iniwan sa kalsada, masundan lang siya. She smiled to her self. Isn't it a great time to seduce him? Solo nila ang unit niya. Pwedeng-pwede. Para ngang nakikita niya ang sarili na lumalapit kay Axyl. Hinahaplos at dinadama ang malapad at matigas nitong dibdib. Pinaglalaruan ang mga balahibo doon. She could even give a hard grip into his strong muscles, na namumutok sa mga braso nito. His abs... his biceps... she wanted to run her fingers and feel him, there. Nakagat ni Bunny ang pang-ibabang labi nang bumaba ang mga mata niya sa matambok nitong pang-upo. She wanted to squeeze both face of that plumpy butt. At siguradong uungol sa sarap ang gwapong lalaki nasa loob ng kanyang kitchen.

Nang humarap si Axyl ay may bitbit na itong mug ng kape habang papalapit sa kanya. Mas lalong rumagasa ang mga makamundong pagnanasa sa isipan ni Bunny. His face was hard looking while walking to her. His square jaw seems more authoritative habang wala itong kangiti-ngiting nakatitig sa kanya. It only added great points in his manly features. He was oozing with so much sex appeal. Nakabukas ang tatlong butones ng polo nito kaya naman bahagya niyang nasisilip ang masarap na katawan ng boss. Para iyong nangangako ng langit. Kung hindi lang siya nakakapagpigil ay baka nahaklit na niya si Axyl at naipaloob ang mga palad sa loob ng nakabuyangyang na polo nito. And would caress him until he groaned in pleasure...

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now