Chapter 21.1

10.3K 435 37
                                    

PARANG magigiba ang dibdib ni Axyl habang sumusugod sa pinangyarihan ng insidenteng mainit na mainit pa din na usapin ng mga residente sa mainland. Kaninang magising siya na note nalang ni Breonna ang naabutan ay parang kinabahan na siya. Sleeping with Breonna was damn great but waking up without her by his side was a total destruction.

“I wouldn’t take long. I’ll be back.
-Breonna”

Kahit ano pang assurance ang bigay ng note, hindi pa din siya matatahimik na hindi ito nakikita. Iba ang pakiramdam niya. At kapag nakaramdam siya ng kakaiba, alam niyang may hindi magandang mangyayari. Lalo pa at kamuntik na nga itong madukot ng kung sino. Wala ba itong kadala-dala at nakuhang umalis ng mag-isa? Lalo tuloy siyang nakaramdam ng takot. He had never felt afraid of anything, but when it concerns Breonna, hindi niya mapigilang mataranta. Hindi niya kayang hindi makaramdam ng matinding takot at pag-aalala. Lalo pa at iba ang pakiramdam niya. At tama nga siya.

Bumaba siya ng white house at nagtanong sa mga mamamayan sa malapit. Maging sa rancho ay nagtanong-tanong din siya at baka may nakapansin kay Breonna. Isang umuusok na balita ng barilan ang sumalubong sa kanya. At sa pinangyarihan ng shooting incident, malapit lang doon ang lugar na pinaghatidan ng tricycle kay Breonna kaninang madaling araw.

And now here, he came long after the damn shooting incident. Makakahinga na sana siya nang maluwag nang marinig na ini-confirm ng mga residente sa paupahang apartment na ligtas ang mga nakatira doon at maayos na nakalayo. Pero ang malaking tanong niya ay bakit kailangang lumayo? Sinu-sino ba talaga ang mga humahabol kina Breonna. At sinu-sino ang mga kasama ni Breonna?

“Si Sehun at Tyrelle.” Sagot ng isang Ale sa tanong niya. Nasa tindahan ito na malapit lang sa hilera ng apartment at siyang napagtanungan. Titig na titig ito sa kanya habang nakikipag-usap na para bang may kung anong kakaibang nakita. Pero hindi na niya iyon pinansin dahil mas matindi ang kaba nang marinig niya ang unang pangalan.

Sehun…

Iyon ang paulit-ulit na pangalang binabanggit ni Breonna habang natutulog. Ang dahilan ng pag-iyak nito gabi-gabi. ‘Wag namang sabihing nagkita ang dalawa doon sa Palawan at…

Itinuro ng Ale ang apartment na pinanggalingan niya. “Diyan sila nakatira at ako ang nag-aalaga ng anak ni Breonna—”

“Anak?!” Nagigimbal na putol niya sa sinasabi ng Ale.

Parang natakot ito sa malamang ay biglaang pagdilim ng mukha niya. Pero sino ba ang hindi? Ginulat siyang talaga ng sinabi nito. May anak si Breonna at Sehun? Malamang na ‘yong Tyrelle.

Fuck! Bakit hindi niya alam? O mas tamang tanong na bakit hindi ipinaalam ni Breonna? And they even fucked so many times yet she haven’t even had the guts to tell him? What the fuck!? Ano ba ang tingin nito sa kanya? Ano lang ba siya kay Breonna?
And she even told him that he was the one who calmed her down. Nagsisinungaling lang ba si Breonna? Pinaglalaruan lang ba siya nito? Pero bakit? Para saan? Para sa ano?

“Oo, may anak—”

Ikinampay niya ang kamay sa harap ng ginang para patigilin ito saka tumalikod na. Parang nawalan ng lakas si Axyl na naglakad palayo doon. Parang gusto niyang mawala sa sarili habang hinahanapan ng sago tang mga tanong. Nakita niya kung gaano katotoo ang mga sinabi ni Breonna sa kanya kagabi, pero bakit ganito? Hindi niya maproseso ng maayos ang lahat. He played back everything in his head. There’s this goons who wanted to kidnapped her so she brought her away from the city. Everything seems to go well and they fucked and enjoyed every moment together. She even confessed her dark past that he thought, they already had a connection. Dahil ang pag-open up ni Breonna sa kanya ay parang pagbubukas na din nito ng pintuan para sa kanya, papasok sa buhay nito.
And then now, he’ll wake up with her notes telling him she’ll be back. But she didn’t. Ang lahat ay parang bomba na pinasabog sa tapat ng kanyang tainga. Parang gustong magiba ng mundo niya. Ano lang ba siya para kay Breonna? Bakit ito ginagawa ni Breonna sa kanya? Magiging masaya siya kasama ito pero pagkatapos ng ligaya, magigising siya na wala na ito?

“Bakit ganyan ka, Breonna? Palagi mo nalang akong sinasaktan. Palagi mo nalang akong iniiwan. Laruan mo lang ba ako? O ikaw na ang karma ko sa lahat ng kalokohan ko?”

NAGWAWALA ang anak nang dumating si Avio sa rancho Henderson. Pero sa halip na pigilan ito ay mas sinulsulan pa niya ang galit nito. Inilatag niya sa harapan ng anak ang mga pictures na kuha sa airport. Mga picture ni Breonna, ng anak nito at si Tyrelle.

He knew better. Magwawala si Axyl. Pero matatapos at mauubos din ang galit nito. And everything will be back to normal. Hindi siya papayag na ang isang katulad lang ng starlet na si Breonna Firestone ang sisira sa mga plano niya para sa kanyang panganay. Axyl maybe such a pain in the ass but still, he is his son. And he’ll do everything to put him in the great place. At hindi iyon sa piling ng isa sa mga babaeng pinagpaparausan nito. Besides, the woman was a walking disaster. Hinahabol iyon ng sanlaksang problema at peligro. Ayaw niyang pati si Axyl ay makisawsaw sa gulo ng babae. But anyway, he had gave them the security she just asked for. Bahala na ang Interpol sa problema ni Breonna at siya naman sa anak.

“Iyan ang babaeng kinahuhumalingan mo, ‘di ba? Pamilyado na!” pagalit na asik niya.

Sinadya niyang bigyan ng ibang connotation ang pictures. Besides, maganda ang pagkakakuha. Nakahilig si Breonna sa kapati at nakapikit. Habang karga at yakap ni Tyrelle ang pamangkin. Nakasubsob ang bata kaya hindi kita ang mukha.
Isa pa iyon. Kung makikita ni Axyl ang bata, siguradong lalo na niya itong hindi mapipigilan. Lalong masisira ang plano niya para rito. Salamat sa madaldal na tagapag-alaga ni Breonna ng anak. Nakarating hanggang sa rancho ang tsismis nito na kamukha ng mga Bachelor ang anak ni Breonna. And today, they just came in time. Balak lang naman niya sanang silipin ang bata at makita iyon ng sariling mga mata pero napansin ng body guard niya na may nagmamanman sa apartment, he called his boys for back up. Kasunod na din ang mga police.

At bago ang lahat, naisakatuparan niya ang cliché na eksenang madalas makita sa teledrama ng mga Pilipino. Cliché as it may seem but it help a lot for him. Ngayon ay naplantsa na niya ang lahat ng gusot. Hindi naman niya pababayaan ang unang apo sa new generation ng mga Bachelor. In fact, he had provided too much for them. Hindi nalang security ang ibinigay niya kina Breonna kundi lahat ng comfort na kayang bilhin ng pera. After all, Sehun was still a Bachelor.

“Saan mo nakuha ito?” Kitang-kita ni Avio kung paanong mamula sa galit ang mukha ng anak.

He was right to call himself a beast. Lahat ng anak niyang lalaki, pare-parehong mahirap pasunudin. May kanya-kanyang ugali. But Axyl was the most stubborn in all of them.

“Well, pinasundan ko lang naman ang babaeng iyon. I smell something between you, two. And you know me.” Kumpiyansang sabi niya. Tumalikod sa anak at dumeretso sa couch saka nagde-kwatro.

“Right.” Tahimik na sagot nito at nilamukos ang pictures. “But still, kinakalawang na yata ang skills mo. Bakit naunahan pa kitang malaman ang totoo?” may pait na sambit nito.
Bahagyang kinabahan si Avio sa narinig mula sa anak. Sandali siyang nalito pero agad ding nakolekta ang sarili. If he really knew the truth, sana ay nagkukumahog na itong hanapin ang mag-ina nito. But Avio knew very well, mukhang mali ang nalaman nito. At napangiti siya sa sarili. Mukhang umaayon sa kanya ang pagkakataon.

“Leave for England and marry Natalie. Para matapos na ang mga kalokohan mo.” Sabi niyang hindi inintindi ang kapaitan sa boses ng anak.

“Fuck!” mura nito at tumalikod na. Tuloy naman siya sa pagsasabi ng mga plano niya para rito at sa heiress ng isang business empire sa England. Hindi pa siya natatapos ay nilayasan na siya ni Axyl. Hinayaan niya lang ang anak. Babalik din ito kapag maayos na ang takbo ng isip at damdamin.

“And now… everything was okay.” Napangiti ang matandang ginoo sa sarili.

Axyl, The Eldest Beast (Completed And Published)Where stories live. Discover now